Chapter XX : Grieving

2.7K 66 10
                                    

ELIZABETH

"Bakit kaya niya natanong iyon?"

Nagtataka akong napatingin sakanya pero sinagot ko rin ang tanong niya.

"Ahm...iba iba kasi ang gusto ng mga babas depende sakanila pero most of us loves food"

Napatango tango ito

"Where are we going?"

Sinabi ko dito ang hospital kung saan naka confine ang ina ni jon buti nalang at alam nito ang hospital na iyon kaya naman hindi ko na kailangan pang ituro kung saan ang daan.

Kamusta kaya si mama? Sana maayos lang siya.

Dapat talaga sumama na ako kay jon kanina nung sinabi niyang sasagutin niya yung tawag.

Nag aalala na talaga ako...

Matapos ang ilan minutong pagmamaneho ay nakarating na kami sa harap ng hospital.

"Thank you Mr.goldester"

Tumango lamang ito saakin bago ito may inabot na isang card...nagtataka ko itong kinuha sa kamay niya at nawala ang pagtataka ko ng makitang isa itong calling card.

Bakit niya ako binigyan ng calling card?

"Just in case Mrs.Smith"

Matapos nitong sabihin iyon ay agad agad humarurot ang kotse nito paalis.

Kaya naman muling bumalik ang kaba sa dibdib ko,pinagmasdan ko ang buong harap ng hospital bago ako nagpakawala ng isamg buntong hininga.

Sana andito siya...at sana walang masamang nangyari.

Nanginginig ang mga paa ko habang naglalakad ako papunta sa kwarto ng mama ni jon.

Nanginginig ako at natatakot dahil kahit papano napamahal na saakin si mama.

Hindi ko naranasan na magkaroon ng ina sa matagal na panahon,ngayon ko pa nga lang nakilala ang ina ni jon sana naman walang masamang mangyari dahil alam kong hindi kakayanin ni jon kung meroon mang masamang mangyayari.

Mahal na mahal ko si jon at ang mga taong mahalaga sakanya ay mahalaga narin saakin.

Ng nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto ni mama ay napapikit ako ng mariin at dumilat rin at ng akmang bubuksan ko na ito ng kusa itong bumukas at bumungad saakin ang lalaking kanina ko pa hinahanap.

Tila ba nawasak ang puso ko ng makita kung gaano kalungkot ang muka nito.

May iilang luha pa sa pisngi niya,ang mga mata niyang pagod na pagod sa kaiiyak at emosyong pinakikita niya saakin ngayon.

Napakalamig...malayong malayo sa jon na nakilala ko,sa jon na minahal ko

Hinawakan ko siya sa magkabilang braso niya atsaka ko masinsin na sinalubong ang malamig niyang mga titig.

"A-anong nangyari?"

Tanong ko dito kahit na alam ko na ang nangyari.

"Sh-she's de-dead my mo-mother is dead..."

Lumuwag ang pagkakahawak ko sa braso niya,patay na nga talaga si mama.

Paano ko babawasan ang sakit na nararamdaman ni jon?

Anong gagawin ko!?

Nasanay na akong lagi siyang andiyan para saakin kaya naman siya ngayon ang maghihirap...wala akong magawa

~

Third person

Gustong sumigaw ni jon at sirain lahat ng gamit na makikita niya pero paano niya magagawa yun kung sa sobrang pagkawasak ng puso niya ay siyang paghina ng buong katawan niya.

A Deal For PleasureWo Geschichten leben. Entdecke jetzt