Chapter XVI: One wish

3.2K 76 1
                                    

ELIZABETH

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at napakunot ako ng makitang wala na akong katabi.

Sapo sapo ko ang ulo ko ng umupo ako at sumandal sa head board ng kama.

"D*mn it ansakit ng ulo ko"

Sabi ko habang patuloy na hinihimas ito.

Muli kong inilibot ang tingin ko sa paligid.

Wala si jon...

Asaan kaya yun?

Urrgghh mamaya talaga saakin yun dahil sakanya natulog ako ng sobrang lagkit ng pakiramdam.

Amoy na amoy ko pa yung wine na tinapon niya saakin kagabi.

Tsss try something new pa kasing nalalaman.

Tinignan ko ang palapulsuhan ko at napa buntong hininga pa ako mg makitang may pasa iyon.

At dahil nga lagkit na lagkit na ako sa sarili ko tumayo na ako at naglakad pa punta sa  nag iisang pinto dito sa kwarto.

Wala naman kasing pinto ito papasok kaya naman kitang kita dito ang sala at kitchen na katabi lang ng sala.

Ng mabuksan ko ang pinto ay tumaas ang isang kilay ko.

seryoso?

Halos buong pader ng cr ay punong puno ng salamin.kaya naman kitang kita ko ang repleksyon ko.

At namilog ang mga mata ko ng makitang ang mga pulang marka na nasa leeg ko hangang sa dibdib ko.

"Hickeys!?"

Inis kong sabi bago tuluyang pumasok ng cr

May mini Jacuzzi may shower at kung ano pa na matatagpuan sa cr.

Pero talaga ang weird lang...

Bakit napapaligiran ng salamin tong banyo niya?

Paano kung mabasag to?

Lumapit ako sa isang salamin at hinawakan ito ngunit nagulat ako ng unti unti itong bumukas hangang sa bumungad saakin ang mga sabon.

Wow!

Doon ko lang napansin na walang kahit na anong laman ang lababo.

Walang shampoo,sabon o mga gamit.

Meroong towel

Pinaghahawakan ko pa ang ibang parte ng salamin at mas lalong lumawak ang ngiti ko ng isa isa kong nakita ang mga shampoo,shaving cream,toothpaste at tooth brush
At kung ano ano pa.

sino kaya ang nag design nito?
Halatang magaling

Nagkibit balikat nalang ako bago naligo.
Talagang sinigurado ko na wala na yung lagkit sa katawan ko.

Ginamit ko yung mga gamit ni jon pati narin ang toothbrush well ganoon talaga ako.

Muka lang akong maarte pero pag dating sa best friend ko kung anong ginagamit niya ginagamit ko rin.

Ng matapos akong maligo ay sinuot ko ang puting robe na nakasabit malapit sa towel.

Ng makalabas ako ng cr ay doon ko lang nakita ang isang sticky notes na nakapakat sa pader malapit sa kama.

Lumapit ako doon atsaka iyon kinuha.

"Sorry got to go to the office.napaka raming pinagagawa ni dad idagdag mo pa yung mall na ipapamana niya saakin.

Ps.hawakan mo yung mga salamin sa cr
Meroon ka naring breakfast iinit mo nalang
Ps ulit.wag ka munang lalabas baka saan ka mapunta mamaya pag uwi ko pakikilala na kita kay mama"

A Deal For PleasureWhere stories live. Discover now