Chapter XVIII:Christmas ball

2.6K 69 2
                                    

ELIZABETH

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko ng mapag masdan ko ang sarili ko sa malaking salamin na nasa harapan ko.

Nakita ko lang ang green na gown na ito dito sa kama,para saakin naman siguro ito?
Ala nga naman kay jon?

Kitang kita ang buong leeg ko pababa sa collarbone.

Off shoulder mermaid style ang gown na ito at dark green ang kulay nito kaya naman mas lalo akong pumuti at nagmulang disente kahit na wala pa akong make up.

Nakaisang taas lang ang buhok ko.

Pag dating kasi sa pag ma-make up wala akong tiwala sa sarili ko kaya naman hayaan ko ng si jon ang gumawa nun.

Inayos ko ang gown at pinasadahan ito ng kamay napatigil lang ako ng may biglang umakap saakin atsaka hinalikan ako sa batok.

Napatingin ako sa salamin at napangiti ako ng makitang si jon ito.

"Ikaw ang mag make-up saakin"

Napapikit ito habang nakalapit parin ang muka niya sa batok ko at nakapalupot parin ang mga kamay niya sa bewang ko.

"Hindi mo na kailangan ng make up...masyado ka ng maganda"

Mahinang bulong nito sa tenga ko na ikina tawa ko.

"Hindi ako nakikipag biruan elicarde!"

Dumilat ito bago dumapo ang mga kamay nito sa labi ko.

Nakatitig na din siya sa repleksyon namin at tila ba minememorya ang bawat parte ng muka ko.

Mula sa labi ay dumapo sa pisngi ko ang kamay niya atsaka sa baba ko.

Napaseryoso ako ng expression ng bigla ako nitong paharapin sakanya atsaka nito hinalikan ang gilid ng labi ko.

"You're so irresistible..."

Bulong nito sa tenga ko bago ito lumayo saakin atsaka ito pumunta sa cr.

Napa iling iling nalang akong umupo sa gilid ng kama.

Tinitigan ko ang green na stiletto na nasa may tabi ng pintuan.

I am irresistible? Will it be an exact reason to make him stay with me?

Tama na ba na maganda ako para manatili siya sa tabi ko?

I think no,dahil nga diba bakla siya at isa pa wala siyang pakialam sa pagmumuka ko.

Hayssss ang hirap mag mahal ng bakla lalo na kung best friend mo pa.

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko.

"Iha bakit hindi ka pa nag aayos?"

Napa angat ako ng tingin at agad na napatayo ng makita ko si tita sandra.

Nakaayos na ito at bagay na bagay dito ang kulay maroon nitong gown.

Halatang halata ang napaka gandang hugis ng katawan niya parang hindi nga nanganak eh.

Dahil kasexy parin.

"Ah si jon po kasi ang mag-aayos saakin"

Nahihiya kong sabi sabay tingin sa pinto ng banyo.

"Ma la-late tayo kung hihintayin mo pa si jon,kaya ako nalang ang mag-aayos sayo"

Wala na akong nagawa ng lumapit ito saakin atsaka ako hinila papalabas ng kwarto namin ni jon.

Pumunta kami sa kwarto niya tasaka ako pinaupo sa harap ng salamin.

"Maganda ka na Elizabeth kaya naman konti nalang ang ilalagay nating make up"

A Deal For PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon