Chapter VII: My superman and my kryptonite

3.2K 87 5
                                    

"Manong bilin ko na"

Sabi ni jon sa matanda
Nginitian siya nito bago nito kinuha ang isang maliit na kahon at ang singsing.

"Para siguro sa nobya mo yan iho?"

Payak siyang napatawa bago niya inabot sa matanda ang singkwenta pesos na halos lukot lukot na.

"Hindi ko po syota yung pag bibigyan ko...kaibigan ko lang po"

Napakamot ng ulo ang matanda bago siya nito tinapik sa balikat.

"Mahirap magkaroon ng kaibigang babae.kanina ko pa kayo tinitignan at masasabi kong...para kayo sa isat isa"

Halos tumayo na ang lahat ng balahibo sa katawan niya habang naririnig niya ang pinagsasabi ng matanda.

Hindi niya maisip kung mangyayari nga iyon.pero sa hindi niya nalamang dahilan napatitig siya kay eliz at tila ba may sariling buhay ang mga labi niya dahil sa biglaan nalang siyang napangiti.

"Hoy bakla! Tara na baka ma late nanaman ako sa pag uwi sesermonan nanaman ako ni nanay sol!"

Napapikit pikit siya bago siya luminga linga sa paligid.

Nakalayo na pala ang matanda...

"Para nanaman ba sa boyfriend mo yan?"

Inis na tanong sakanya ni ekiz habang dinuduro duro ang box ng singsing na hawak niya.

"Jusko ikaw talagang bakla ka! 
Napaka landi mo! Boy friend mo nabibigyan mo ng regalo samantalang ako na kaibigan mo ni isang kusing wala ka pang nabibigay.

Tapos ako pa yung nagbayad nung nilamon mo!
Nakuuu kung hindi lang talaga kita kaibigan matagal na kitang pina salvage! Gi-"

Hindi na natuloy pa nito ang sunod na sasabihin ng sinulpak ni jon ang maliit na kahon sa bibig nito.

"Ano ba yan!? Bastos tong baklang to! Para saakin ba to!?"

"Ay hindi para sa bag mo"

Punong puno ng sarkasmo ang pag sabi niya noon ngunit ang loka loka niyang kaibigan ay napangiti pa.

"Baklang to pinakikilig mo ko ah"

Hindi niya makapaniwalang tinignan ito bago niya hinila ng hindi kalakasan ang buhok nito.

"Hindi tayo talo bru"

"Anong bru?"

"Bruha!"

Dahil sa inis ni eliz kay jon ay sinuntok niya ito sa balikat bago niya binuksan ang box.

"Wow super man? Ano ako lalaki? Pero type ko yung design ah sooo cute"

Sabi nito bago nito kinuha ang singsing sa box atsaka nito sinuot sa sariling daliri.

Napailing pa si jon ng kunwaring naiiyak si eliz at pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay nito

"Ikakasal na tayo huhuh look im engaged!"

Naiiyak ma sabi nito habang nakatingin sa sinsing na nasa palasingsingan nito.

"Loka loka"

Nakangiti niyang sabi dito bago siya nagmadali sa paglalakad.

END OF FLASHBACK

"Miss can I check that?"

Tanong ni jon sa babaeng staff ng jewelry store.

"OF course you can sir"

Sabi nito bago kinuha sa loob ng glass box ang singsing,ibinigay ito sakanya ng babae.

A Deal For PleasureWhere stories live. Discover now