"Gusto ko na pong lumaki, mommy! Para makapasok na rin ako sa loob!"

Nagtinginan muli sila mommy at daddy, pero ngayon ay parang nalungkot ang mga mata nila.

Pinalapit ko si mommy sa akin dahil karga ako ni daddy. Pinulupot ko ang aking maliliit na braso sa leeg nilang dalawa para mayakap at pinugpog sila ng halik.

"Huwag na po kayo sad ni daddy, mommy! I'm a good girl po, kaya hindi ako gagawa ng bagay na makakapag pahamak sa akin kasi alam ko pong magiging sad kayo and I don't want na sad kayo ni daddy." Ako naman ang pinugpog nila ng halik kaya bumungisngis ako.

"My daughter is not just a good girl but also a brave girl. I'm so proud of you, sweetie."

"Of course daddy! Brave and good girl po ako palagi!" proud rin na sabi ko.

"Promise? Kapag may problema kang napag daanan huwag kang susuko kaagad ah? Kasi ang sweetie ko ay brave." Tumango ako sa sinabi ni daddy.

"Sleep na tayo, tapos bago tayo matulog mag k-kwento si mommy ng story, gusto mo ba iyon?"

"Opo daddy!"

Nakita ko namang napailing si mommy pero nakangiti ito.

"Kayo talagang mag-ama."

Bigla akong napamulat ng mga mata. Another dream but that was real. Mayroon na naman akong naalala sa nakaraan ko.

Hinawakan ko ang aking mukha at may luha roon.

"Mom, dad... Thank you po." bulong ko.

I miss them very much, kailan ulit namin 'yon magagawa? Kailan ulit kami magiging masaya? Palaging kapakanan ko ang iniisip nila.

Napaluha akong muli. Gusto ko na makita sila mom and dad.

Ito yung panaginip na hindi sumakit ang ulo ko o nag dugo ang ilong ko. Masayang panaginip ito.

Bigla akong napatayo nang may maalala ako. Yung pader!

Lumapit ako sa pader kung saan pumunta noon si dad habang karga ako.

Hinanap ko yung red dot at doon ko dahan-dahang nilapat ang kanang kamay ko.

Sana pala hindi ko hiniling na lumaki kaagad ako para makapasok dito dahil mapanganib pala ang mga nilalaman sa loob nito. Kaya pala malungkot ang mga mata nila noon ni dad at mom.

Dahan-dahang humati ang pader sa harapan ko. Madilim ang nakikita ko pero hindi ko maiwasan na mamangha dahil parents ko ang may gawa nito.

Lumakad ako papasok, at may nakita ulit akong red dot sa likod ng pader at inilapat ko muli ang kamay ko para mag sara muli ang pader papunta sa kwarto nila mom at dad, mahirap na baka may nakasunod pala sa akin at may makapasok dito.

Naglakad pa ako ng kaunti at may switch na naman akong nakita para mabuksan dahil underground nga ito. May hagdanan doon pababa. Kaya pala secret underground ang pinangalan dito ng mga magulang dahil sa ilalim lang ito ng bahay namin pero alam kong hindi basta-basta makakapasok rito.

Nang makababa ako ay hinanap ko kaagad ang switch ng ilaw dahil madilim at nang mahanap ko ito ay pinindot ko na ito. At halos masilaw naman ako sa sobrang liwanag sa loob.

Nalaglag ang panga ko sa iba't-ibang bagay na nakikita ko.

"Wow, lahat ito ay imbensyon ng mga magulang ko?" tanong ko sa sarili ko.

Lahat ng nakikita ko ay high technology at nakakamanghang mga bagay. May nakita rin akong mga glass bottle na may mga iba't-ibang kulay na liquid.

Naglakad pa ako pero bigla akong napahinto nang may mabangga akong matigas na bakal.

I Saw the Future OnceNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ