6

45 1 0
                                    

CHAPTER 6

Bakit kailangan pang mangyare sa akin ang ganito? Pwede bang maging masaya na lang ako? Yung walang magbabawal? Pwede bang mahalin siya ng walang sagabal? Pwede bang akin na lang siya? Pero ang saklap ni tadhana. Palagi akong pinaglalaruan. Kung kaylan na kaya ko ng magmahal ulit, dun pa sa maling tao.

Napabalik lang ako sa sarili ko ng marinig ang iritableng boses ng babaeng kahit kaylan ay hindi ko makasundo. At napaupo ng tuwid sa kama.

"Ano? Tutunganga ka na lang ba diyan magdamag?" iritado niyang tanong.

"Don't you know how to knock?" pagalit kong usal sa kanya.

"Kanina pa ako kumakatok! Kaya binuksan ko na ang pinto, tutal 'di naman naka lock. Arghh! Why am I even explaining to you!" agad itong tumalikod at mabibigat na humakbang palabas ng kwarto ko. "Dinner is ready!" huling ani niya bago pabagsak na sinarado ang pinto ng kwarto ko.

Napapiksi ako dahil sa ginawa niya. How I really hate her. I frown in my own thought. She's Denise Hobre, my cousin in my mother's side. And I don't really like her in here. Kung hindi lang dahil sa incoming licensure exam niya, pinaalis ko na yan dito. She's so annoying as hell! Akala mo naman eh bahay nila.

Pumunta akong banyo at inayos ang sarili ko para bumaba na at para makapaghapunan.

"Maupo ka na at magsisimula na tayong kumain" ani ni papa ng makarating na ako sa hapagkainan.

"Pa VIP pa kasi" may pabulong bulong pang nalalaman, naririnig ko rin naman.

"May bubuyog bang naliligaw dito?" painosente kong tanong at inilibot ang paningin. Nang dumapo ang paningin ko sa kanya ay ang sama ng tingin niya sa akin. I smile sweetly at her at nagpokus na sa pagkain.

Dinner went well dahil hindi na nagsalita pa ang bruha kong pinsan. At himala ata na siya ang nagprisinta na maghuhugas siya ng plato ngayon. Dalawang linggo lang naman siya dito sa bahay pero pakiramdam ko parang nasa impyerno ako. Gusto ko na talaga na matapos na ang exam niya para makaalis na siya dito para maging payapa na ang buhay ko.

Pabalik na ko sa kwarto ko ng marinig ang nakakairita niyang boses.

"Yes, baby. Free ako bukas. Yes! After ng class mo? 'Di ba ako disturbo sayo?" blah blah blah blah blah. I rolled my eyes on the thought. Pero nakaramdam din ng kirot sa puso ko. Ang swerte niya at siya pa ang napili.

I walk in in my room with a heavy heart. I sign deeply na parang pasan ko ang mundo kahit hindi naman. If only I have a chance to tell my father, na ako na lang sana ang ipakasal sa kanya. But then, hindi pumapayag si mama.

I know it's my fault too. Kasal ang pinag-uusapan dito, sa una lang naman ako tumutol dahil para sa'kin ang kasal ay para sa dalawang taong nagmamahalan ng lubos, hindi yung inarrange lang para sa business. At 'yon din ang pinaniniwalaan ni mama kaya ayaw niya akong iarrange marriage sa mga kasosyo nila sa negosyo.

And I never thought that I will fall for him. 'Di ko din alam na siya yung lalaking magiging fiancé ni Denise. If only I could turn back the time at pumayag na lang ako.

Naglalakad na ako papasok sa kwarto ko ng madaanan ko ang kwarto nina mama at papa at naririnig silang nagtatalo. Napahinto ako dahil sa sigaw ni mama.

"Hindi ako papayag, Benj!" rinig kong sigaw ni mama mula sa kwarto nila ni papa.

I Fall For Him (Unedited)Where stories live. Discover now