Hindi na maganda to, hindi na maganda tong sakit na nararamdaman ko.

Pero kahit nasasaktan ako, nagawa ko pa din siyang ngitian ng bahagya. Hindi ako sigurado pero siguro halatang pilit lang yon. Hinintay ko siyang ngumiti pabalik sa akin pero hindi naman nangyari yon.

“Just fine.” Iniwas niya ang tingin sa akin. “Pero mas gustong kong ikaw ang manager ko.”

Pero mas gustong kong ikaw ang manager ko.

Napayuko nalang ako habang pigil na pigil ang emosyon. Parang gusto ko nalang na lamunin ng lupa dito.

Ano namang pakialam mo kung mas gusto niya si ate ang maging manager niya? Ha, Yumi? In the first place, ang ate mo naman talaga ang totoong manager niya, naging pamalit ka lang habang wala siya! Kaya bakit ka naman nasasaktan?! Substitute ka lang!

Siguro dahil si ate, hindi siya sinisigawan, hindi siya binabatukan, hindi siya hinahampas-hampas... siguro dahil nga mas magaling na PA at manager si ate kaysa sa akin kaya mas gusto siya ni Yeonjun.

Huwag kang umiyak, Yumi. Intindihin mo nalang.

“Ingat, Yeonj.” Nabalik nalang ako sa ulirat ko nang mag-salita sa tabi ko si ate.

Nilingon ko siya at nakita kong kumakaway na siya kay Yeonjun na papasok na sa kotse ngayon. Bago siya pumasok sa kotse, tinignan niya muna ako saglit saka isinara ang pinto. Hindi ko na hinintay pang maka-alis siya, mabilis akong pumasok sa bahay at saka dumiretso sa kwarto.

Doon ko nilabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan na lumabas.

Dinilat ko ang mga mata ko nang maka-rinig ng katok. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkaka-higa at kinusot-kusot ko ang mga mata ko. Nakatulugan ko na pala ang pag-iyak. Jusmiyo, ano nalang ang sasabihin ni ate kapag nakita niyang mugto ang mga mata ko? Anong sasabihin kong palusot? Kainis naman.

“Yumi! Yumi, labas diyan! Bilis!” Rinig ko ang malakas na pagkalampag ni ate sa pintuan na sinabayan niya pa ng pag-sigaw.

Nataranta naman agad ako at mabilis na bumaba ng kama, tumakbo ako papunta sa pintuan at agad na binuksan yon nang hindi alintana ang mugtong mga mata. Sumalubong sa akin ang mukha ni ate na alalang-alala. May mga butil din ng pawis sa noo niya.

“Ate, bakit? May problema ba?” Tanong ko agad sa kaniya.

“Y-Yumi, kakatawag lang ni Kaze... s-si Yeonjun kasi...” Hindi niya maituloy ang sasabihin niya.

Dumaloy agad sa mga ugat ko ang kaba ng marinig ang pangalang yon.

“M-May... may na-nangyari ba kay Yeonjun?” Utal kong tanong sa kaniya.

“Yumi, kailangan mo siyang puntahan. Nasa isang bar siya, ang sabi ni Kaze ay hindi daw siya nagpapa-pigil sa pag-inom. Simula daw kaninang alas-singko ng hapon, nandon na siya at umiinom. Yumi, please, gustuhin ko mang ako ang pumunta doon ay hindi ko magawa. Baka kung ano ang mangyari sa baby ko. Kaya please, puntahan mo na siya. Mamamatay na ako sa kaba.” Ramdam ko ang panginginig niya dahil naka-hawak siya sa akin.

“Kalma, ate, baka kung ano ang mangyari kay baby kung kabang-kaba ka. Sige, pupuntahan ko si Yeonjun, ako na ang bahala.” Pagpapakalama ko sa kaniya. “Hingang malalim.”

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now