Pumasok na si hyung sa entrance papunta sa Gate niya. Lumabas na rin ako ng airport. Bigla kong naalala si Suri. Sabay kaming umuwi kanina galing sa hospital. Pinauwi na rin kasi siya ng tita ni Jisung. Bisitahin ko kaya siya sa bahay niya? It's already 10 pm. Gising pa kaya siya?

Suri;

Ilang beses na akong nagpaiba iba ng position pero di pa rin ako makatulog. Wae?? Anong problema sakin? Agad akong bumangon.

Bigla kong naalala yung sinabi ni Jisung kanina. Gusto niya akong maging girlfriend ulit pero tumanggi ako. Alam ko, walang masama tungkol dun dahil pareho naman kaming single. Pero ayoko ng maulit yung nangyari dati. I promised to myself not to cry again dahil lang sa katangahan ko sa pag-ibig. I'm done. Ayoko ng umulit.

Napatigil ako sa pag-iisip nung may tumama na kung anong bagay sa bintana ko. Ano yun? Lumakas ang tibok ng puso ko. Minumulto ba ako?

May bumato ulit sa bintana. Agad akong nagtalukbong ng kumot. Aish jinja! Ito na ba yung sign na dapat na akong matulog??

Minutes later, naging tahimik ang paligid. Wala ng bumato sa bintana. Lumabas ako sa kumot at tumingin sa paligid. Tanging lampshade lang ang nagsisilbing ilaw sa kwarto. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga.

"Nagiging paranoid na ata ako."

Sabi ko sa sarili. Nagulat ako nung biglang tumunog ang cellphone ko.

"Jusmiyo Marimar!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba. Aatakihin na ata ako sa puso. Hayuf! Sino naman kaya ang tatawag sa ganitong oras?

"Yobosaeyo?"

"Suri..."

Sa boses pa lang kilala ko na kung sino siya.

"Soobin, napatawag ka?"

"Did I wake you up?"

"Hindi. Hindi naman. Ang totoo hindi pa ako natutulog."

"Can you go out for a bit? Nandito ako sa tapat ng bahay niyo."

Bahagyang kumunot ang noo ko. Anong ginagawa niya rito ng ganitong oras?

"Sige, sandali lang. Lalabas lang ako saglit."

Pinatay ko ang tawag at lumabas ng bahay. Nakita ko si Soobin sa labas. Binuksan ko yung maliit naming gate.

"Uhm hey..."

Bati niya. His hair is kinda messy pero ano... Pero gwapo pa rin naman. Like hello? Kailan pa siya naging panget sa paningin ko. Teka, teka. Ano ba tong pinagsasabi ko? Sinampal ko yung sarili ko mentally.

"May problema ba Suri?"

Tanong ni Soobin nung napansin niyang medyo wala ako sa katinuan. Oo meron, problema kita kasi sa tuwing nanjan ka ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Wala. Bakit ka pala pumunta dito? Anong meron?"

Pag-iiba ko sa usapan. Napakamot siya sa batok niya.

"I just want to see you..."

Nahihiya niyang sabi habang namumula. Sus! Sa kapal ng mukha niya may hiya pa pala siyang tinatago sa katawan.

"Ngayong nakita mo na ako, pwede ka ng umuwi."

Ani ko at akmang papasok nung pinigilan niya ako.

"Sandali!"

Humarap ulit ako sa kanya.

"Ano?"

"Pwede bang mag-usap muna tayo sandali?"

"Ano naman yung pag-uusapan natin? Hanep ka din ha, di ka nauubusan ng topic."

"Ang totoo, matagal ko ng gustong sabihin to. Hindi lang ako makahanap ng tamang tiyempo kasi ang daming nangyari. Pero siguro oras na para sabihin ko sayo to."

Seryosong sabi ni Soobin. Bahagyang kumunot yung noo ko. Curiousity suddenly hits me.

"Ano yun?"

Tanong ko. Yumuko siya.

"Ang totoo..."

"Ano nga?"

"Ano kasi..."

"Kasi?"

"Ahm ano..."

"Bahala ka nga diyan!"

Tinalikuran ko si Soobin. Siguro pinagtitripan lang ako nito. Akmang papasok na ako sa gate nung bigla siyang nagsalita.

"Naneun neoleul joh-ahae."

Agad akong napatigil at napaharap sa kanya.

"Suri, naneun neoleul joh-ahae."





Second Best 「 Choi Soobin 」✓Où les histoires vivent. Découvrez maintenant