Sabay silang naglakad papalayo ni tito. Bumagsak ang mga balikat ko at magkahalong lungkot at galit ang nararamdaman ko nang bumalik ako sa kinauupuan ko kanina.

Pinagkrus ko ang aking mga braso sa harapan ko at inisip ang lahat na maaring gawin ni Nolan, kung bakit niya ito nagawa.

Sa unang transfer niya pa lang sa strand namin ay halatang hindi na siya interesado sa mga subject pero dahil sa matalino siya ay nagagawa niya pa ring sumabay. Siguradong tama ako sa part na ito. Dahil hindi naman ABM ang line up niya, dahil sa lugar na ito, alam kong pagiging scientist din ang gusto niya.

Panagalawa, ano yung pinakita niyang kabaitan sa akin noong nag kasakit ako? Parte lamang niya ba iyon sa plano niya? Tutal ang sabi naman niya ay kaya lang naman nakikipagkaibigan ang isang tao ay dahil may kailangan ito. Hindi ko akalain na totoo ang sinabi niya at sa akin niya pa ito mismo nagawa. Ang gamitin ako.

Pangatlo, yung mga lalaking nakaitim na sumugod sa school at nakalaban namin ni Ream. Alam kong alam ito ni Nolan dahil katulad ng mga tauhan sa lugar na ito ang sumugod sa school namin, ang itim na tela na palaging suot nila. At ang panghuli ay si Nolan ang nag papasok ng mga ito sa school, at siya rin siguro ang nag tanggal ng cctv sa part na iyon ng school namin. Naalala ko pa na nagtanong ito about sa nangyari roon.

Pero paano niyang nalaman na ako ang anak ng mga Montilla? Kung nalaman niya lang ito noong naganap ang party, bakit may sumugod na mga tauhan nila sa school? Si Ream lang ba ang hinahanap nila? Bakit doon lang sila sumugod? Bakit pinatagal pa nila ang pag sugod kung kilala na talaga nila si Ream, at yung dalawa pang lalaki na sina Nick at Steel?

Kung nakilala lang nila akong bilang Xyrene Trixy Montilla noong party, ay hindi nila kami basta-bastang mahuhuli. Dahil planado ang lahat simula umpisa pa lamang.

Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa sobrang pagkalito, kung kasing talino ko lamang ang mga magulang ko ay nasolusyunan ko na ito.

Napakuyom ang mga kamao ko at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kawalan.

Sobrang galit na lang ngayon ang aking nararamdaman.

Dalawang taong naging mahalaga na sa buhay ko kahit saglit ko lamang nakilala. Si tito na isa sa pamilya ko at si Nolan na tinuring kong kaibigan. Mga traydor! Hinding-hindi ko sila mapapatawad, lalo na kapag nalaman kong may nangyaring masama sa mga magulang ko at isa sila sa mga taong may kagagawan niyon.

Biglang may pumasok na mga tao sa loob ng kwartong ito.

Kung nasa normal lamang ako ay baka namangha pa ako sa lugar na ito dahil puro high technology ang nakikita ko pero wala na akong pakialam.

Unang pumasok ay ang tito ko na may malawak na ngiti. Sunod ay si Nolan na wala ring emosyon sa mukha kaya mas lalong nag siklab ang galit sa akin. May lakas pa sila ng loob na mag pakita sa akin!

Sunod na pumasok ay ang mga nakaitim na lalaki na tauhan ng tito ko at ni Nolan, hawak sina Ream, Nick at Steel.

"Bitawan niyo nga ako! Sa tingin niyo ay makakatakas pa kami sa ginagawa niyo? Nakatali na nga ang mga kamay namin! Argh! I hate this!" sigaw ni Steel sa lalaking nakaitim ngunit para itong estatwa na hindi man lang sinagot o nilingon si Steel.

Si Nick naman ay nag pupumiglas sa nakahawak sa kanya pero wala ring nagawa.

At si Ream, hinayaan niya lang ang lahat. Nakatayo siya at nasa likod ang mga kamay na alam kong nakatali. Nakatindig pa rin siya ng maayos na parang wala lang sa kanya ang nangyayari. At naroon pa rin ang cold niyang tingin pero mas mapanganib ngayon at nakakatakot.

Nag tama ang tingin naming dalawa pero walang nagbago sa kanyang expression. Parang hindi niya ako kilala, ni hindi man lang siya nagulat na nakita niya ako.

I Saw the Future OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon