17. One You

2.5K 117 8
                                    

WALA sa loob na nag-angat ng mukha si Honey nang makarinig siya ng mahinang katok sa pinto. Nag-iba kaagad ang pintig ng puso niya. Alam niyang walang ibang maaring makapasok sa apartment maliban kay Ben dahil may susi ito. At pamilyar ang narinig niyang mahinang katok.

Bigla niyang binitiwan ang ballpen na hawak at nagmamadaling tinungo ang pinto para buksan iyon-at nabungaran niyang nakatayo roon ang taong dahilan ng maraming estrangherong emosyon sa dibdib niya.

"Ben..." ang tanging nausal ni Honey. Naghalo-halo na ang mga nararamdaman niya-pangungulila, sakit, pagmamahal? Hindi siya sigurado sa huli, pero kung ang pagbabasehan niya ay ang matinding pagnanais na yakapin ito nang mahigpit nang mga sandaling iyon ay masasabi niyang mahal na nga niya si Ben. Mahal niya ito sa kabila ng alam niya tungkol sa pagkatao nito.

"B-bakit ngayon ka lang, ha? Nakakainis ka! Alalang-alala ako sa 'yo, 'tapos ikaw, wala kang pakialam," napapaiyak na sumbat niya. "Ganoon ba kasama ang ginawa ko? Puwede mo namang sabihin na nandidiri ka sa akin, na ayaw mo sa akin kaya huwag ko nang uulitin. Susundin naman kita eh, basta...basta kausapin mo na ako, bumalik ka na dito. Nami-miss kita, Ben, eh. Ang lungkot ng bahay na 'to 'pag wala ka..."

Hindi ito umimik. Nanatiling nakatitig lang sa mukha niya. Pero nang mapahikbi na si Honey ay umangat ang palad nito at maingat na tinuyo ang mga luha niya. Lalo siyang napaiyak sa ginawa nito. Yumapos na siya rito nang mahigpit.

"Shhh. Shhh..." anito at tinugon ang yakap niya. Humakbang ito papasok sa silid niya habang yakap siya. Narinig niya ang paglapat ng pinto. "I'm sorry..." anas ni Ben. Naamoy niya ang alak sa hininga nito.

"L-lasing ka ba?" unti-unti siyang nag-angat ng mukha rito. Kaya ba tumutugon ito ng yakap dahil lasing? "Ben-" hindi na natapos ni Honey ang sasabihin. Sinapo na nito ang baba niya at pinagtagpo ang mga labi nila. Napapikit siya at wala sa loob na kumapit sa mga balikat ni Ben nang simulan nitong hagkan siya nang malalim. Hindi niya alam kung ano ang totoong halik hanggang nang mga sandaling iyon. At natagpuan ni Honey ang sariling tumutugon ng halik at yakap rito sa paraang alam niya...

Heart's Deception(Ben And Honey) PREVIEW ONLYWhere stories live. Discover now