4. Tibok At Titig

3.2K 118 1
                                    

"YEAH, I know, I know, when I compliment her she won't believe me. And it's so, it's so sad to think that she don't see what I see. But every time she asks me do I look okay, I say..." boses ni Benito na kumakanta ang sumalubong kay Honey habang patungo siya sa maliit nilang kitchen. Tulad ng mga nagdaang weekend, nauna na namang nagising ang kaibigan kaysa sa kanya. Ipinagluluto siya nito ng almusal bago siya pinapayagang umuwi sa Cavite. Nadatnan niyang nasa harap ito ng kalan at abala sa anumang niluluto. Naka-cargo shorts lang at walang damit pang-itaas. Basa pa ang buhok nito, base sa anyo ay mukhang kaliligo lang. Nakangiting sinabayan niya si Benito sa pag-a-ala Bruno Mars.

"When I see your face, there's not a thing that I would change. Cause you're amazing, just the way you are. And when you smile, the whole world stops and stares for a while. Because girl you're amazing, just the way you are..."
Lumingon ito sa direksiyon niya, malapad na ngumiti pagkakita sa kanya. Iyon ang isang advantage na bading ang kasama ni Honey sa bahay. Kahit na bagong gising siya, nakatayo pa ang buhok at hindi pa nakapaghilamos ay hindi siya nako-conscious sa hitsura. Walang anuman iyon kay Benito. Wala naman itong pakialam sa hitsura niya. Idagdag pang panatag na panatag siya rito. "Morning, 'Ney," bati nito. 'Ney' ang endearment sa kanya dahil tunog mag-asawa raw ang 'Hon' "Kadiri! Eww!" naalala pa niyang nakangiwing bulalas ng bading.

"'Morning! Ano'ng breakfast?"

"Pansit," sagot nito at hinalo ang niluluto. "O kaya pandesal at sardinas," Ang pandesal at sardinas ang pinaka-swak sa badget nilang pareho kaya madalas nilang almusal at midnight snack kapag nagre-review sila. Tulad niya ay pinagta-trababuhan rin nito ang panggastos sa araw-araw kaya nagkakasundo sila pagdating sa pagtitipid. "Late ka na namang gumising. Ano'ng oras ba ang uwi mo sa Cavite?"

"Mga ten na," sagot niya at tumuloy na sa banyo. Bago siya pumasok ay nilingon niya ito. "Ikaw, ano'ng raket mo today?"

Ngumisi si Benito. "Boys."

"May bago kang crush?" ang alam niya ay ang may-ari ng bar na pinagtatrababuhan nito bilang singer ang pinagnanasaan. Si Alexandrei Rajed Viezo, o Raj para rito. "Isinuko mo na si boss Raj mo?"

"Two hours ago," tugon nito at umirap. Inasar pa niya si Benito ng ilang minuto bago siya tuluyang pumasok ng banyo. Mabilis lang na ginawa ni Honey ang morning routine niya. Paglabas, nakahanda na ang mesa. Nakaupo na si Benito at malalaki ang kagat sa pandesal na hawak. Umupo siya sa tabi nito. Hinalo ng lalaki--ng bading pala ang isa sa dalawang tasa ng kape na nasa mesa. Pagkatapos ay inilapag sa harap niya ang isa.

"Ang bait-bait mo ngayon, ah?" aniya bago humigop ng kape. "Bakit ayaw sa 'yo ni Raj?"

"Wala akong matris, gaga!"

Natawa si Honey habang humihigop, ang resulta, napaso siya. Napaungol na inilapag niya sa mesa ang tasa. "At ang macho mo pa!" dagdag niya. "Napaso tuloy ako sa kalokohan mo, Ben!"

Sinapo nito ang baba niya para i-check ang pinsala. Kaswal na dumaan sa mga labi niya ang hinlalaki nito para tuyuin ang naiwang kape roon. Hindi niya alam kung bakit may kakaiba siyang naramdaman sa gesture na iyon. Napalunok na napatingin si Honey sa mga mata ni Benito. Sinalubong naman nito ang tingin niya. Nagtaka sa ginawa niyang pagtitig kaya natigilan, at pati ang hinlalaki nito ay naramdaman niyang nanatili rin sa labi niya. "O, bakit?"

Sa halip na sumagot ay ay biglang inilayo niya ang mukha. Kumuha siya ng pandesal at diretsong kinagat iyon. Umiwas na siya ng tingin pero sinapo uli nito ang baba niya at ipinihit uli paharap ang mukha niya. "Kung makatingin ka, parang iniisip mong mo-molestiyahin kita ah. Umayos ka, 'di kita type!" banat pa ng bading at ngumiwi. "Eww!" sa sinabi nito ay hindi na siya nagtangkang lumayo uli. Oo nga naman, bakit siya maaasiwa sa hawak ng isang bading? At kaibigan pa niya!

"Namumula ang lower lip mo, parang na-french kiss ka ng sampung boylet," saka ito malanding humalakhak. Pinawi niyon ang naramdaman niyang kakaiba.

"Bakit alam mo 'yon? Na-french kiss ka na ba?"

"Many times," at kinikilig na nangislap pa ang mga mata nito.

"Eww! Kadiri ka, Ben!"

"Kadiri? Ang sarap kaya!" at bumungisngis pa ito bago kinagat-kagat ang lower lip. Mayamaya ay biglang tumigil.

Napasinghap na lang si Honey nang basta na lang nito inabot ang batok niya at kinabig siya hanggang halos sentimetro na lang ang layo ng mga labi nila. Nakulong sa lalamunan ni Honey ang mga salita.

"Iki-kiss kita para alam mo ang pakiramdam."

Mariing pumikit siya at tumili.

Ang lakas ng halakhak ni Benito nang pawalan siya. "As if naman kaya ng powers ko! Sisters tayo, loka! Yuck!"

Napanatag naman ang nag-ibang pintig ng puso niya dahil sa lapit nila at sa kakaibang epekto ng mga mata nito sa kanya—na dati pa niyang nararamdaman kaya nga iniiwasan niya talagang tumingin sa mga mata nito. Kapag hindi nagtatama ang mga mata nila ay panatag si Honey at nagagawa niyang kumapit rito, humilig sa balikat nito, yakap-yakapin ito at kung anu-ano pang paglalambing na nakasanayan niyang gawin sa Mamu Pauline niya. Pero kapag nagtatama ang mga mata nila, sa hindi niya malamang dahilan ay nag-iiba ang ritmo ng puso niya. Hindi niya alam kung kailan nagsimula iyon, ang natatandaan lang ni Honey, natatagpuan niya ang sariling umiiwas sa titig ni Benito kapag silang dalawa na lang ang magkasama.

Heart's Deception(Ben And Honey) PREVIEW ONLYWhere stories live. Discover now