9. Safe Place

2.8K 115 9
                                    

TULIRO si Honey pagkatapos ng mahabang pag-uusap nila ni Mamu Pauline. Ang topic nila ay tungkol sa kaklase niya noong highschool na numero unong insecure sa kanya—si Ybeth. Anak ito ng may kayang pamilya kaya brat. Hindi niya alam kung bakit kahit napakalayo ng mga status nila sa buhay ay lagi nitong ikinukumpara ang sarili sa kanya. Trying hard si Ybeth na tapatan ang grades niya, ang matataas na scores na nakukuha niya, ang magagandang drawings niya. Hirap naman itong mahigitan siya. Biniyayaan kasi talaga siya ng likas na talino, na sa kabila ng mga pinagdadaanan niya noon ay nagagawa niyang makakuha ng mataas na grades sa recitation, quizzes at exams. Siguro, paraan iyon Diyos para iparamdam sa kanya na sa kabila ng lahat, espesyal din siyang anak Nito. 

Ang alam ni Honey na mas ikinaiinis sa kanya ni Ybeth, noong ibinoto siyang class muse sa klase nila. Ayon sa mga kaklase nila, lagi na lang daw siyang class president kaya iba naman. Nag-unity ang buong section. At ang nanalong escort, ang crush ni Ybeth na sa kanya naman pilit nakikipaglapit pero hindi niya pinapansin at lagi niyang iniiwasan. Walang mas importante sa kanya noong highschool kundi ang magkaroon ng diploma. Nakatuon ang buong antensiyon niya sa planong pag-alis sa bahay nila. Umabot pa sa sukdulan ang inis sa kanya ni Ybeth nang siya ang mapiling Prom Queen dahil sa sponsor na damit at hair-and-make up ni Mamu noon dahil natuwa ito sa pagtulong-tulong niya sa parlor. Ilang linggo na lang ang natitira bago ang graduation nila kaya maikling panahon na lang na pinagtiisan ni Honey ang panlalait at pang-aapi ni Ybeth.

Ngayon ay heto, ayon sa tawag ni Mamu Pauline ay dumating raw si Ybeth sa parlor kasama ang isang guwapong lalaki na ipinagmamalaki nitong boyfriend. Hinahanap raw siya ng dating classmate. Ang kutob ng ina-amahan niya ay gusto nitong ibandera sa kanya ang boyfriend. Nasugatan raw niya ng husto ang ego nito noong mga highschool pa sila. Ang hula pa ni Mamu, kaya siya nito gustong makita para ipamukha sa kanya na siya pa rin ang matalino pero dukhang teenager na inaapi nito—at ngayon may napakaguwapong boyfriend na, isang bagay na wala siya. Grabe talaga itong si Ybeth, ipinahanap pa sila para sa wounded pride nito?

Hindi alam ni Honey kung anong iisipin.

Napailing na napangiti na lang siya. Hindi siya makapaniwalang hanggang ngayon ay pinag-aaksayahan pa rin siya ng panahon ni Ybeth. Ano kaya ang nakikita nito sa kanya para mainis at maasar ng ganoon na lang? Napakababaw naman kung dahil lang iyon sa naging muse siya at Prom Queen. Ang childish lang.

Nanlaki ang mga mata niya kanina nang sabihin ni Mamu na sinabi nitong makikipagkita siya rito sa isang kilalang Italian restaurant--at kasama rin niya ang boyfriend! Kamuntik na siyang mahulog sa kinauupuan. Maagap naman na nagpaliwanag si Mamu, na ginawa lang raw nito iyon para hindi siya magmukhang api. Luluwas raw ito sa araw na sinabi kay Ybeth. Ito raw mismo ang mag-aayos sa kanya. Pagagandahin raw siya nito ng husto. Natampal na lang ni Honey ang noo nang sabihin nitong ang 'boyfriend' na isama niya...

Si Benito!

Narinig pa niya sa background ang kinikilig na chorus na tili ng mga bading na parlorista nito. Nahagod ni Honey ng paulit-ulit ang buhok. Hanggang wala na si Mamu sa kabilang linya ay napapakamot pa rin siya ng ulo. Puwede namang hindi na lang pansinin ng Mamu Pauline niya si Ybeth, bakit kaya kailangan pa siyang isubo nito sa weird na sitwasyong iyon?

Sa huli ay naisip ni Honey  kumbinsihin na lang si Ben tungkol sa plano niyang gamitin ito. Hiling lang niya, sana ay hindi magkalat ang bading na iyon kung hindi ay pagtatawanan siya ni Ybeth.

Lumabas siya ng silid para kausapin si Benito. Nasa sala ito at nakahiga sa sofa. Hawak ang isa sa mga libro.

"Nag-aaral ka, Ben?" simula niya. Naupo siya sa sahig, sa may paanan nito.

"Obvious ba, lola?" malanding balik nito sa kanya. Napangiwi siya. Mukhang ang ending niya ay mapagtatawanan siya ni Ybeth, dahil kinailangan pa niyang manggamit ng bading para magpanggap na boyfriend.

Heart's Deception(Ben And Honey) PREVIEW ONLYWhere stories live. Discover now