10. One Kiss

2.8K 125 8
                                    

HATINGGABI kinabukasan, pagkagaling sa University ay ang lakad na naman nila sa darating na Sabado ang naging topic nina Honey at Ben. Pagkatapos nilang gawin ang mga assignments, balik na naman sila sa usapang 'reunion date'.
Thirty minutes ago ay iniwan na niya si Ben sa sala. Pumasok si Honey sa silid niya at nag-ipon ng lakas ng loob. Kailangan magawa niya ang gusto ni Ben--isang halik lang naman na hindi siya titili o kaya ay pipiglas. Kapag nagawa niya iyon, sigurado siyang hindi na magiging awkward para sa kanya ang magpanggap na girlfriend nito sa harap ni Ybeth at ng guwapo umano nitong boyfriend.

Binalikan niya sa sala si Ben at sinabing handa na siya.

"Kung handa ka na, ano'ng ginagawa mo diyan?" balik nito, nakaupo sa sofa at nakatayo naman siya dalawang hakbang mula sa puwesto nito. "Parang mortal enemy ang tingin mo sa akin at sinusukat mo ng tingin ang kaya kong gawin," saka ito napangiti. "Dito ka, Ney." Sa tabi nito ang tinutukoy ni Ben.

"H-Hindi ka ba nandidiri sa kiss ko?"

"Pangarap kong maging actor noong bata pa ako. Acting ang forte ko kaya walang kaso sa akin ang halik ng babae, Ney."

"Hindi ka masusuka?"

"Ang kulit! Hindi nga. Come here!"

Parang robot na lumapit siya at naupo sa tabi nito. Parang kulang na naman ang hangin sa baga niya. At ang pintig ng puso ni Honey, malakas na naman. Bakit ba ganito ang nararamdaman niya kapag nagkakalapit sila?

Huminga si Ben nang malalim mayamaya. "Bukas na lang," sabi nito. "Hindi mo pa kaya. Sa cheek na muna ngayon," at inilapit nito ang pisngi sa kanya.
Tumalima siya. Bumaling ito at hinagkan rin siya sa pisngi. Lalong bumilis ang pintig ng puso ni Honey matapos maramdaman sa pisngi niya ang labi nito. At tuluyang nahulog ang puso niya nang pakatitigan pa siya nito na para bang gusto siyang tunawin.

"B-Bading ka ba talaga?" wala sa loob na nausal niya. May nararamdaman talaga siyang kakaiba sa titig nito. Humalakhak si Ben, napapailing na binuhat siya para sapilitang ihatid sa silid niya.

"Iniistorbo mo lang ang tulog ko eh." Ang sinabi nito

"Ang sugat mo, Ben!"

"Parang dahon ka lang, Ney. Walang epekto sa sugat ko ang bigat mo," sabi nito at inilang hakbang lang ang distansiya ng silid niya at ng sala nila. Inilapag siya nito sa tapat ng nakasarang pinto. Hinawakan siya sa balikat at isinandal sa pinto.

"I think...kailangan na kitang akitin, 'Ney," anito, sa anyo ay parang nagpipigil na bumunghalit ng tawa, kaya nasiguro niyang hindi ito seryoso pero naapektuhan siya. Mayamaya ay pumormal ito at tinitigan siya nang matiim. Nag-rigodon na ang pintig ng puso ni Honey. Umangat ang dalawang kamay niya para itulak ito pero nang lumapat ang palad niya sa dibdib nito ay nakalimutan niyang ang itulak si Ben ang intensiyon niya. Ang gusto na niyang gawin ay damhin ang dibdib nito...

Nalilitong nahagod ni Honey ang buhok bago siya kumilos, idinikit niya ang noo sa dibdib nito. Hindi na talaga niya maintindihan ang sarili. Tama ba talaga ang kutob niyang nahuhulog ang loob niya kay Ben?

Pero bading ito...

Nang muli siyang mag-angat ng mukha ay nakayuko pa rin ito at nakatitig sa kanya. Mayamaya ay bumaba sa mga labi niya ang tingin ni Ben, natagpuan na lang ni Honey ang sariling nakatingin na rin sa mga labi nito.

Ngumiti ito, ngiting tuluyang nagpawala sa huwisyo niya—umangat sa batok nito ang isang kamay niya at kinabig niya  para magtagpo ang mga labi nila. Awtomatikong pumikit ang mga mata niya nang maglapat ang mga labi nila. Nagpaubaya lang si Ben, naghintay lang sa gagawin niya, na para bang binibigyan siya ng kalayaan, ng kapangyarihan na gawin ang lahat ng gusto niyang gawin sa mga labi nito.

Heart's Deception(Ben And Honey) PREVIEW ONLYDonde viven las historias. Descúbrelo ahora