Dati, gustong-gusto kong marinig ang mga salitang yan mula sa kaniya pero bakit ngayon hindi na? Dahil ba ayos na sa akin ang lahat? Dahil ba naka-move on na ako?

“Alam kong sobrang laki ng kasalanang nagawa ko sayo na sa sobrang laki ay imposible nang mapatawad mo ako. But still, gusto ko pa ring mag-sorry sayo dahil sa konsensiya at gusto ko na ding magkaroon ng buhay na masaya, yung walang araw na dumadating sa buhay ko na pinagsisisihan ko dahil sinaktan kita.” Doon na tumulo ang luhang pinipigilan ko.

Tumingala ako para pigilan yon kaso parang isang gripo ang mga luhang yon na umaapaw sa mga mata ko. Hindi ko magawang pigilan.

“Kasalanan ko ang lahat noon. Ginawa kitang tanga. Ginawa mo ang lahat, tumigil ka sa pag-aaral para sa akin, nag-trabaho ka dahil gusto mo akong patapusin, sinuway mo ang gusto ng ate mo at tinanggap mo ang lahat ng masasakit na salita ng mga tao sayo.” Dagdag niya. Gusto ko na siyang patigilin dahil masiyado nang masakit pero alam kong kailangan ko to, alam kong kailangan ko ng closure para tuluyan na akong makapag-move on kaya hindi ko na ginawa.

“Naging masaya naman ako sa relasyon nating dalawa e, noong una. Pero noong nagtagal na, nawawala na yung spark sa pagitan natin, nawawala nang unti-unti ang nararamdaman ko para sayo. Ang lahat para sa akin ay naging isang responsibilidad nalang, hindi na ako masaya... tulad noong una. Alam kong ang gago ko dahil ikaw pa ang nagta-trabaho para pagtapusin ako kaso, wala akong ibang choice dahil nga tarantado ako, wala akong trabaho at ikaw nalang ang makakapitan ko. Inaamin ko, noong tayo pa, marami din akong mga naging karelasyon.” Napahagulgol na ako dahil doon.

“Noong napagtapos mo na ako, dapat makikipag-hiwalay na ako sayo noon kaso naunahan mo ako. Nahuli mo na ako. Pagkatapos non, sinubukan kitang hanapin pero lumipat na pala kayo ng ate mo. Hinanap ko kayo at nang makita kita, umiiyak ka non, nalaman kong dahil sa akin kaya nahiya ako. Nahiya akong lumapit sayo dahil alam kong nandidiri ka sa akin at kinamumuhian mo ako. Naisipan kong mag-ipon muna ng lakas ng loob bago humarap sayo at nang maka-ipon na ako, nandito ako ngayon sa tabi mo, humihingi ng tawad habang nakatingin sa mga luhang bumabagsak mula sa mga mata mo.”

Idinilat ko ang mga mata ko saka sinalubong ang tingin niya. Huminga ko ng malalim saka ngumiti sa kaniya. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya at pagtataka, pagtataka marahil dahil sa pag-ngiti ko sa kaniya.

“Tanggap ko naman na, Patrick e. Pero thank you pa din, atleast, magaan na ang pakiramdam ko ngayon.” Ang sunod kong ginawa ang nagpakislot sa kaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit. “I'm sorry dahil hindi ka naging masaya sa akin noon, patawad dahil hindi ko nagawang ipanatili ang nararamdaman mo sa akin noon. I'm sorry, Patrick.”

Naramdaman ko ang pag-yakap niya sa akin pabalik. Isinubsob niya ang mukha niya sa balikat ko, naramdaman ko nalang ang luha niya doon.

“Thank you dahil ginawa mo na talagang official ang paghihiwalay natin. Thank you dahil sa wakas, may closure na tayo. Thank you, dahil makakausad na ako. Maraming salamat sa nakaraan natin, naging masaya ako sayo kahit mahirap, marami akong natutunang bagay mula sayo. Kaya, hindi ako nagsisisi na nagpaka-tanga ako sayo noon. Ikaw ang pinauna kong makapagtapos dahil alam kong may mas mararating kaysa sa akin.” Lalong humigpit ang pagyapos niya sa akin.

“Tignan mo nga oh, mukhang naka-angat ka na sa buhay. Tignan mo ako, nakapag-tapos na ako pero wala pa din akong maayos na trabaho. Di ba? Tama lang yung naging desisyon ko? Kasi ngayong doktor ka na, makakatulong ka na sa ibang tao. Kaya wala akong pinagsisisihan, nakaka-baliw man pakinggan pero... masaya akong nagpaka-tanga ako sayo noon.” Humiwalay ako ng yakap sa kaniya saka hinawakan ang dalawang pisngi niya gamit ang mga palad ko.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now