“Talaga?” Tumango siya. Lumawak lalo ang ngiti ko dahil doon. “Ay, I like that. Sige na nga, pipirmahan ko na to.” Sabi ko saka dali-daling pinirmahan ang dapat kong pirmahan doon sa papel.

Gwapo daw e, siyempre, susunggaban ko na this. Hindi joke lang, gusto ko lag talagang malaman kung sino yun, pero mas magiging masaya ako kung gwapo na yung sir na sinasabi nitong si kuya.

Bago siya umalis ay pinicturan ko muna yung address na dapat ay puntahan ko daw. Pagkatapos non ay nagpa-salamat siya sa akin saka nag-paalam na. Ako naman ay pumasok na sa loob ng bahay, naabutan ko sa sala si ate na nanonood ng peppa pig.

“Hindi ba masiyado ka ng matanda para manood ng ganiyan ka pambatang palabas?” Tanong ko sa kaniya.

“Sino yung taong naghahanap sayo?” Tanong niya imbis na sagutin yung tanong ko.

“Ah, wala, delivery man lang. May pinapirmahan lang sa akin saka may binigay na address, puntahan ko daw.” Sabi ko sa kaniya.

“Pupuntahan mo naman?”

“Oo, baka kasi importante.”

“Kilala mo ba kung sino yung kikitain mo?”

Umiling ako. “Hindi, tinanong ko yung delivery boy kanina pero sabi niya, huwag daw sasabihin sa akin.”

Napatikhim naman siya dahik sa sinabi. “Pupunta ka pero di mo naman kilala kung sino yung kikitain mo doon. Paano kung rapist yon? Paano kung may balak na masama sayo yun? Paano kung miyembro pala yun ng terorista na nagbebenta ng laman ng tao? Paano—”

“Teka, ate, naiintindihan kong buntis ka pero masiyado ka nang nagiging OA. Kalma.” Pagputol ko sa sinabi niya. Huminga naman siya ng malalim para pakalmahin ng sarili. “Hindi naman ako pupunta kung pakiramdam ko ay rapist yung kikitain ko o miyembro ng terorista e. Iba yung pakiramdam ko. Malay mo, isa na palang opportunity yon para magka-trabaho ako. Alam mo namang wala na akong trabaho ngayon di ba?”

Bigla ko na naman tuloy naalala si boss. Isang linggo na rin nang huli ko siyang nakita at masasabi ko, namimiss ko na nga siya. Hindi ko alam kung nakauwi na ba siya o hindi, pero siguro nakauwi na yon. Tapos na ang isang linggo niya na sinabi sa akin e.

Kinabahan ako bigla nang maalala yung nakalagay sa note na iniwan niya bago umalis. Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko. Totoo kaya yun? Totoo kaya yung sinabi niya doon? Gagawin niya talaga yun? Huminga ako ng malalim para pakalmahin ito.

Heart, kalma...

“Sabi ko naman na kasi sayo ay ituloy mo na lang ang pagiging PA ni Yeonjun para hindi ka na maghanap pa ng trabaho. Mukha namang naging masaya ka sa trabahong yun, isa pa, kumportable kayo sa isa't-isa e, naghalikan pa nga kayo sa sobrang close niyo.” Pang-aasar niya sa akin.

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. “Heh! Tumigil ka nga, ate. Kinalimutan ko na nga yon e.” Inirapan ko siya. “At ayokong kunin sayo ang trabaho mo. Sayo naman talaga yun e, hindi sa akin. At kapag binigay mo yun sa akin, ikaw naman ang mahirapan sa paghahanap at hindi ako makakapayag doon dahil buntis ka, baka ano pang mangyari sayo, malalagot ako niyan kay kuya Terrol.”

“Haay, sige, ikaw ang bahala. Basta mag-iingat ka ah.” Aniya.

Tumango naman ako sa kaniya. “Opo... sige na, magbibihis na ako.” Paalam ko sa kaniya.

Hindi ko na siya hinintay oang mag-salita, dumiretso na ako papasok sa kwarto at naligo na. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako. Kinuha ko sa cabinet ko ang dress na binili ko noong nakasahod na ako kay Yeonjun. Binili ko yun bilang premyo sa sarili dahil sa wakas ay nagkaroon na ako ng pera na pinaghirapan ko mismo.

Kulay dirty white yon at above the knee. Off shoulder siya kaya kitang-kita ang balikat at collarbone ko. Nagsuot din ako ng hikaw at kwintas na babagay sa suot ko at light make up para hindi masiyadong halata na naghanda talaga ako. Hehe. Siyempre, gwapo daw e. Charot.

Inayos ko naman ang buhok ko in messy bun dahil babagay yon sa suot ko. At nagsuot lang din ako ng kulay puting flat shoes. Actually, angel ang motif ng aoutfit ko ngayon. Hahaha!

Nang masiguro kong maayos na ang lahat sa akin ay lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko sa sala si ate na nagwawalis ngayon. Nagpaalam muna ako sa kaniya bago umalis. Sumakay ako ng taxi para may aircon, kapag kasi nag-jeep ako siguradong malulusaw ang make up ko dahil sa init. Ang hot ko kasi, joke.

Pinakita ko kay kuya yung address na pupuntahan ko, tumango lang siya at sinabing medyo malapit lang naman daw yon pero mag-iisang oras na ay wala pa din kami doon. Jusmiyo marimar, ganito na ba ang malapit ngayon? Pinaasa ako ni kuya na malapit kang daw. Mga lalaki nga naman ngayon oh, MGA PAASA!

Isa't-kalahating oras pa ang naging biyahe bago namin marating yung lugar na sinasabi sa address. Ang laki tuloy ng binayaran ko kay kuya dahil ang layo talaga. Naku, siguraduhin lang talaga ng delivery boy na yun na may kwenta ang ipinunta ko dito kung hindi, bubunutin ko isa-isa ang mga sungki niyang ngipin gamit ang plice.

Tinignan ko ang address na pincturam ko, La Flowera ang nakalagay na lugar doon. Napatingin naman ako sa paligid, may nakita kong isang flower shop na nakalagay ay La Flowera, napangiti ako dahil doon saka tinahak yon. Nakita ko pa ang delivery boy doon kaya sigurado akong ito na yun.

Mukhang inaasahan na niya ako kaya itinuro niya na agad ang papasok sa loob. Nagpa-salamat muna ako sa kaniya bago tahakin yon. Pagpasok ko, hindi ko alam kung bakit sobrang lakas ng kabog ng puso ko, gosh, bakit ba ako kinakabahan?

Pagpasok ko, namangha ako sa mga bulaklak na nakita ko sa paligid. Lahat yon ay magaganda, mula sa daisy sa orchids sa mga rosas... ang gaganda. May nakita pa nga akong mga paru-paro na nakadapo doon, iba-iba ang kulay ng mga yon at ang sarap sa matang titigan.

Napatingin naman ako sa dulong bahagi. May nakita akong isang lalaking nakatalikod sa akin na may kulay brown na buhok, napakunot ang noo ko at ang kabog ng puso ko ay malakas pa din. Matangkad ito at maganda ang pangangatawan, ang tindig nito ay parang hindi na bago sa akin, parang nakita ko na siya noon pero hindi ko maalala.

Sino siya?

Dahan-dahan siyang humarap sa akin at ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makilala siya. Ngumiti ito ng matamis sa akin habang ako ay naninigas ngayon sa kinatatayuan ko.

Ang ngiting yan... ang ngiting nagpa-ibig sa akin... noon.

“Patrick...”

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now