“Tama yan. Ngayon, natutunan mo na, na walang patutunguhan ang galit. Na walang mabuting maidudulot yon sayo pati na ang paninisi.”

Kinabukasan ay natagpuan nalang ni Yeonjun ang sarili sa harap ng gate ng napakalaking mansyon ng Daddy niya.

Naisip niya kasi kagabi na makipag-ayos na sa Daddy niya, gusto niyang humingi ng tawad dito dahil sa pagiging makasarili niya at para na din makalaya siya sa masakit na nakaraan niya. At isa pa, gusto niyang maayos na ang sarili pagbalik niya sa babaeng mahal niya. Gusto niya, kapag niligawan na niya si Yumi ay buo na ang sarili niya. Wala nang puot sa sarili niya.

Bumuga siya ng hangin bago pindutin ang doorbell ng mansyon. Napaisip siya kung paano kaya nakabangon ang Daddy niya noong naubos ng mga kalaban ng Mommy niya ang lahat ng ari-arian nila kahit kayamanan nila ay naubos sa isang iglap. Pero naisip niyang, mayaman ang pamilya ng Daddy niya, siguro ay tumulong ito para makabangon ulit ang Daddy niya at nakapag-patayo pa ng sariling kumpanya.

Maya-maya ay may nagbukas na ng gate. Isa yong body guard at napagtanto niyang si Jeremy pala yon.

“Hey, sup?” Pati niya dito saka nakipag-bist bump.

“I knew it, babalik ka dito.” Nakangisi nitong sambit sa kaniya.

“Thanks for all your help.”

“Your welcome, worth it naman. Anyway, where's your annoying friend?” Tanong ni Jeremy habang tinitignan ang likuran niya at hinahanap doon si Kaze.

“Ayaw niyang sumama. Gusto niyang matulog buong araw.”

Tumango-tango naman si Jeremy saka nilakihan ang uwang ng gate.

“Ang tamad niya talaga. Sige na, akin na yung susi mo, ako na magpa-park ng kotse mo.”

Binigay naman ni Yeonjun ang susi ng kotse niya dito saka tinapik ito sa balikat bago pumasok papasok sa loob. Nilibot niya ng tingin ang buong paligid, punong-puno yon ng puti at pulang rosas. Yun ang mga paboritong bulaklak ng Mommy niya. Napatingin naman siya sa kabuuan ng mansyon, katulad ng gusto ng Mommy niya noon, kulay dilaw ang pintura non. Napangiti nalang siya habang naglalakad, lahat ng nasa paligid ay sumisimbolo sa Mommy niya.

Dad really loves Mom after all she'd done.

Pinagbuksan siya ng pinto ng isang maid, tinanong niya dito kung nasaan ang Daddy niya at tinuro nito ang isang kwarto, pamilyar sa kaniya ang kwartong yon dahil doon sila nag-usap ng Daddy niya kagabi. Sa library.

Pumasok siya doon at hinanap agad ng mga mata niya ang Daddy niya. Natagpuan niya itong pinupunasan ang isang litrato. Mukhang hindi pa siya nito nakikita dahil hindi pa siya nito nililingon. Masiyado itong naka-focus sa litratong hawak nito.

Dumaan siya sa isang bookshelf para makita niya ang litratong tinititigan ng Daddy niya. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa likod nito, tinignan niya ang litrato at nakita niyang litrato yon ng Mommy niya.

“Hi, Hon. Nagkausap na kami ng panganay mo kagabi pero mukhang buo na talaga ang desisyon niya na wag na akong patawarin. Yang panganay mo talaga, Hahaha!” Tumawa pa ito pero halata namang pilit. “Pero sana, dumating yung araw na magawa niya akong patawarin. Miss ko na ang panganay natin, Hon. Alam mo bang sikat na sikat na siya ngayon? Ang gwapo gwapo pa, manang-mana sa pinagmanahan.” Dagdag pa nito saka bumuntong hininga.

Nilapag na ng Daddy niya ang litrato sa lalagyan nito saka hinawakan ang mukha ng Mommy niya na parang dinadama yon.

“I miss you, Hon. Sana pagbalik namin ni Innah galing Kazakhstan, napatawad na ako—”

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now