Doon na sumabog ang galit niya. Sinugod niya ang ama saka hinawakan ito sa kwelyo. Hinayaan lang siya nito at hindi pumalag. Matapang itong nakipagtitigan sa kaniya.

“How dare you to say that name. Wala kang karapatang banggitin ang pangalan ng taong pinatay mo. Wala, tandaan mo, wala.” Punong-puno ng galit ang boses niya.

Nababalot ng poot ang buong puso niya. Ang galit niya ay nag-uumapaw at ang mga kamay niya na nakahawak sa kwelyo nito ay nanginginig sa gigil, ang dibdib niya ay nagta-taas baba. Gusto na niya itong saktan pero kahit gustong-gusto na niya ay hindi niya pa din magawa.

“Alam kong kinamumuhian mo ako dahil inaakala mong dahil sa akin ay namatay ang Mommy, pero maniwala ka, anak, hindi ako. Ang pumatay sa Mommy mo ay ang organisasyong ginawa ng lolo mo.” Mahinahong sambit ng Daddy niya sa kaniya.

“Hindi! Hindi ako maniniwala sa katulad mo. Ikaw ang dahilan kung bakit nawala si Mommy, dahil kinuha mo si Innah palayo sa amin, sa kaniya. Nang dahil sayo na-aksidente siya at dahil sa aksidenteng yon... namatay siya.” Tumulo ang isang mainit na likido mula sa mata niya.

“Hindi ako, Yeonjun. Ang lolo mo, just let me explain.” Garalgal na ang boses ng ama niya ng magsalita ito.

Umiling-iling si Yeonjun saka binitawan ang Daddy niya.

“Ayoko. Ayoko. Ayoko. A-Ayoko! Ayokong makinig sayo!” Paulit-ulit na sabi ni Yeonjun.

Madiin naman siyang hinawakan ng ama sa balikat.

“You have to, Yeonjun! You have to listen to me! Tiniis ko ang ilang taon na ako ang sinisisi mo sa pagkawala ng Mommy mo, tiniis ko yun, tiniis ko ang pagkamuhi mo. Tiniis ko ang ilang taon na alam kong galit ka sa akin, tiniis ko ang ilang taon para makapag-paliwanag sayo. Para linawin ang lahat, para linisin ang sarili ko sayo.”

“Dad, sirang-sira ka na sa akin. Nakita ng dalawang mata ko, namatay si Mommy nang dahil sayo. Anong sasabihin mo? Na malabo lang ang mga mata ko non? Na hilo lang ako noon? Sobrang imposible para sa akin na paniwalaan ka. At ano naman yung organisasyong sinasabi mo? Panibagong kasinungalingan na naman? Ha? Para lang mapaniwala mo ako?”

Tinanggal niya ang kamay ng ama na nakapatong sa balikat niya. Narinig niya ang marahas na pagbuntong hininga ng ama niya bago muling magsalita.

“Sige, kung ayaw mong maniwala, hindi kita pipilitin. Basta hayaan mo akong mag-paliwanag. Please...”

Napapikit si Yeonjun saka nag-isip.

“Fine...”

“Thank you! Thank you!” Masayang sambit ng Daddy niya.

Pagkatapos non ay inaya siya ng ama na lumipat ng kwarto. Baka daw kasi magising ang kapatid niya. Pumayag naman agad siya saka sumunod nalang sa ama niya patungo sa isang kwarto na sa tingin niya ay library.

“Upo ka.” Sabi ng Daddy niya habang sinesenyasan na umupo.

Nilibot niya muna ng paningin ang buong paligid. Punong-puno ito ng mga libro at paintings pati na litrato. Mga litrato nila noong buo pa sila. Iniwas niya nalang ang tingin doon saka umupo sa mini sofa paharap sa Daddy niya.

“Anong gusto—”

“I don't want anything, I'm just here to hear your explanation.”

Napayuko nalang ang Daddy niya ng bahagya saka nginitian siya ng pilit.

“I'm sorry.”

“Start explaining.”

“Sisimulan ko doon sa nalaman ko ang organisasyon ng Mommy. Yeonjun,” Matiim siyang tinitigan ng ama niya. “Kabilang ang Mommy mo sa isang organisasyog ginawa ng lolo mo 10 years ago, ang Delton Mafia's, kabilang doon ang Mommy mo, isa siyang mafia.” Nanlaki ang mga mata ni Yeonjun dahil doon. Gusto man niyang mag-salita, hindi niya magawa.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang