"Give me your phone, Ream. Makakatulong ang parents ko." Binigay niya kaagad ang hinihingi ko.

Mabuti na lamang at kabisado ko ang number ni dad para matawagan sila at makahingi ng tulong.

Nag dial ng ilang beses ang kabilang linya pero hindi nito ito sinasagot. Hindi ganito si dad. Alam ko na palagi nitong hawak ang phone niya at mga tatlong ring palang ito ay sasagutin ito kaagad.

Nakatingin ako kay Ream at napailing pero dinial ko ulit ang number ni dad at sinagot niya rin ito ng makatatlong dial pa ako.

"Dad! What took you so long?" Napalaki ang mata ko sa naririnig ko sa kabilang linya.

Tinanggal ko sa pagkakatapat ng tenga ko ang phone ni Ream at pinakatitigan iyon.

Binalik ko naman ulit iyon sa aking tenga, nakita ko pa ang pagkunot at pagtataka sa mukha ni Ream dahil sa ginawa ko.

"Dad! Dad? Answer me, dad?" sunod-sunod na tanong ko dahil paghahabol ng hininga at mga kaluskos lamang ang naririnig ko sa phone.

Pero mas lalo akong nagulat nang may marinig na pagsabog sa kabilang linya.

"Dad!" tawag ko ulit para makuha ang atensyon niya.

[S-Sweetie?] Naririnig ko pa rin ang paghingal niya at kung ano-anong tunog na parang tumatakbo siya.

"Dad, ano nangyayari?" punong-punong pag-aalalang tanong ko.

[Listen to me, sweetie, alam na nila kung sino ka, hindi ka na matatago at kung maari diyan ka muna sa batang Mercedes at sa mga kaibigan niya, mapagkakatiwalaan mo sila.]

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi ni dad, lahat nagtutugma sa sinabi ni Ream. Lahat nga ay planado.

"Dad nasaan kayo?" malakas na tanong ko para marinig ako ni dad. Natataranta na ako.

[Huwag muna kami puntuhan ng mom mo, stay to that young Mercedes! And Xyrene? Ikaw lang password sa lugar kung saan nila hinahanap ang gusto nilang kunin, sa kwarto namin ng mom mo, it's analysis data of our research, sweetie, kahit anong mangyari huwag na huwag mo iyon ibibigay kahit kanino. Sa ngayon ay hindi na natin alam kung sino-sino ang mapagkakatiwalaan natin. At kung hindi ka makadaan sa kwarto namin ng mom mo, hanapin mo si mang Rene na family driver natin, alam niya ang isa pang lagusan para makapasok sa secret underground sa bahay natin. Huwag mo itong kakalimutan. And Xyrene, huwag mong ring kakalimutan na mahal na mahal ka namin ng mom mo, palagi kang mag-iingat. Masaya na kami na palagi kang ligtas.]

Narinig ko ang pag tunog ng sasakyan, siguro ay nakasakay na sila pagkatapos nilang tumakbo sa tinatakasan nila.

Natulala ako pero rinig ko pa rin ang nangyayari sa kabilang linya. Nag-uusap si dad at mom ngunit hindi ko na ito maintindihan o marinig ng maayos.

Sobrang diin na ang pagkakakagat ko sa pang ibabang labi ko.

Hindi ko na pinansin ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

At gusto ko na lang mag transform papunta sa lugar kung nasaan si mom at dad nang may marinig na naman akong malakas na pagsabog at dito na tuluyang naputol ang linya namin.

"Mom! Dad! No! Dad? Dad?" Lumapit na sa akin si Ream at kinuha ang phone niya sa akin at niyakap ako dahil ano mang oras ay mapapahagulgol na ako pero pinigilan ko, kailangan kong maging malakas at matatag.

Ako naman ngayon ang tumingin sa kanya na parang wala ng pag-asa at nagmamakaawa habang patuloy pa rin sa pag-agos ng luha sa aking mga mata.

"Ream... my dad and mom, they need my help. Puntahan natin sila." I pleaded.

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now