CHAT # 2

8 0 0
                                    

IGNORE

Taehyung: Yewon asan ka? Bakit wala na yung mga gamit mo sa room mo?

Sojung: Hoy Kim Yewon malilintikan ka talaga sakin sinasabi ko sayo! Nasaan ka ba? Ang sabi sa front desk madaling araw pa lang daw umalis ka na???

Kim Taehyung is typing...

Yewon: Sorry.

Taehyung: Anong sorry??? Baka mapano ka huy!!! Anong sasabihin namin kila mama???

Sojung: gaga ka talaga Kim Yewon!!!

Yewon: Wag nyo na ko hanapin. Babalik din ako.

Kim Yewon left the group.

=================================

Nag-aagaw ang dilim at liwanag nang umalis si Fia sa hotel na tinitigilan nilang magkakaibigan, dala nito ang kanyang puting maleta at ang excess baggage na nararamdaman nya sa kanyang puso.

Hindi nya alam kung saang lupalop ng America sya dadalhin ng mga paa nya at ng puso nyang naghahangad ng paghilom.

7:00 AM nasa LAX na ulit ang dalaga, ticket papuntang Seattle ang hawak sa kanyang kanang kamay, sa kaliwa naman ay cellphone nitong nakapatay. Hindi nya alam kung anong gagawin nya doon pero alam nyang hahanapin nya ang exhibit ng paborito nyang pintor. Nagpost kasi ito sa Instagram na magkakaroon ito ng painting workshop sa loob ng isang linggo.

Nabasa ni Fia na maganda para sa may mga pusong sugatan ang pagpipinta. Isa pa gusto nya din makita ang mga naging lokasyon ng Spiderman Homecoming, first movie nila ni Jimin, kaya naman ay mas naengganyo syang pumunta ng Seattle.

Sa kabilang dako ng America naman ay nagkakagulo na sa hotel, kung hindi pa pinakalma ng magkakaibigan si Eunbi at Kai ay patuloy ang pag-aalala ng mga ito sa kapatid.

Kilala nila ang kanilang kapatid, alam nilang kaya nitong pangalagaan ang sarili pero hindi pa din nila maiwasan ang pag-aalala. Sabi din naman ni Beomgyu na sa tagal nilang naging magkaibigan ay alam nitong hindi basta-basta nagdedesisyon si Fia, matalino ito, kailangan lang talaga marahil niyang mapag-isa

Dear Diary: An EpistolaryWhere stories live. Discover now