DIARY ENTRY #3

21 1 0
                                    

Dear Diary,

Nakasalubong ko habang pauwi si Jimin. Kahit iba yung way nya pinilit nya na ihatid ako sa may sakayan kahit sabi ko wag na lang. Hindi din naman kami nag-usap ng seryoso kasi lagi nya naman ako inaasar, pero bago ako sumakay ng bus hinawakan nya yung wrist ko tapos nakapa nya ata yung mga self inflictions ko kaya nagfade yung ngiti sa mukha nya.

Bakit ko daw yun ginawa? Anong kagagahan daw pumasok sa isip ko? Tapos syempre sinabi ko na gusto ko pa din si Kookie. Sabi ko sa kanya 'the first cut is the deepest'.

First love ko si JK, first boyfriend so sinasabi nila na dapat ako magmove on agad? Gago paano yun? May nakakagawa ba nun? Move on agad? Taylor Swift? Mich ng JaMich?

Hindi ko lubos maisip kung bakit kailangan mangyari to. Yung tatlong taon iningatan ko, ako lang pala ang nag-ingat. Ngayon iniisip ko kung minahal nya ba talaga ako? Baka hindi nga?

Haaaay paano ba ang magmove on? Hindi ko pa kaya.

Hinatid ako ni Jimin sa bahay kasi nag-alala daw sya na baka kung mapano pa ko.

xoxo,

Omuji

Dear Diary: An EpistolaryWhere stories live. Discover now