DIARY ENTRY # 5

11 0 0
                                    

Dear Diary,

Alam mo ba hinahanap ni mama si Jungkook. Bakit daw di na pumupunta sa bahay, bakit daw di ko na kinakausap? Ang dami ko ding bakit kaya quits lang kami ng parents ko.

'Nanlalamig yung dating nagbabaga, kung maibabalik lang sana. Iindahin ko ang sakit na gumuguhit, ngingiti sa likod ng luhang pumupunit. Baka masulyapan mo yung dulo. Kasi sabi mo walang hanggan, ba't merong dulo?"

Ang sakit naman pakinggan nyang kanta na yan. Walang Hanggan yung title tapos kanta ni Quest. Nananadya yung radyo ng bus. Pauwi na nga lang ako nagdadrama pa. Konti na lang gagawa na ko ng music video sa bus eh. Bakit kasi wala akong kasabay pauwi? Asan na ba si Jin? Asan na si Eunbi at si Yerin unnie? Alam ko lagi gusto sumabay nun pauwi sakin eh.

Nung pababa na ko nakita ko sa bus stop si Yoongi. Luh nakakatakot yung pinsan ni Seokjin may gulay. Binati ko ng 'hi' aba tiningnan lang ako? Hangin ba ko? Luh.

Pero sumabay sya sakin pauwi ng bahay. Malapit lang kasi samin yung bahay nila. Di kami nag-iimikan hanggang sa tumigil sya sa paglalakad, edi tumigil din ako. Nagulat ako sa sinabi nya.

'Yung mga luha mo andyan pa, pero yung iniyakan mo wala na kaya itigil mo na yan.'

I am shookening.

xoxo,

Omuji

Dear Diary: An EpistolaryWhere stories live. Discover now