Nabunutan naman ako ng tinik dahil hindi niya pala alam. Mabuti na lang, malalagot ako kapag may nakaalam kung sino ako, tama ng si Clinton ang may alam sa tunay kong pagkatao.

"Namalikmata lang siguro ako, pero maganda ka naman Trixy so no worries kahit ipaghambing kayo ni Xyrene." Namula ako sa sinabi niya.

"Hindi naman!" Tumawa lang ako ng mahina para maibsan ang pagkahiya.

"Okay. By the way, why are you here beside me?" tanong niya kaya napaayos ako ng aking uniform.

"Wala naman, gusto ko lang makausap yung kaibigan ko." Malawak akong ngumiti sa harap niya at napaiwas naman siya ng tingin.

"Ako? Kaibigan mo? Walang word na kaibigan for me, kasi kaya lang naman nakikipagkaibigan ang isang tao ay dahil may kailangan lang ito sa isa't isa. It's a give and take, parehas lang silang makikinibang kaya naging magkaibigan sila. And friend doesn't even exist, dahil iiwan ka rin nila kapag hindi ka na nila kailangan." Inayos niyang muli ang kanyang malaking salamin dahil bahagya itong bumaba na nasa matangos niya na itong ilong.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. May point siya pero mali yung perspective niya sa word na friend. Pero sa sinabi niya ay mukhang may pinagdadaanan ito.

"Hindi rin. Oo kaya sila magkaibigan dahil kailangan nila ang isa't-isa. Pero may mga magkakaibigan din na nagdadamayan din sa isa't-isa at 'yon ang maganda sa pagkakaibigan, kapag walang-wala ka na, may matatakbuhan ka, bakit kapag stranger ang isang tao? Matatakbuhan mo ba sila? No, kasi hindi mo naman sila kilala. At hindi naman palagi na may kailangan sa pagkakaibigan 'no! Tignan mo ngayon, nakikipag-usap lang ako sayo dahil kaibigan mo ako, wala akong kailangan sayo ngayon. Just a plain talk kasi nga kaibigan kita, mapagkakatiwalaan kita, masasabi ko sayo yung mga malalaki man o maliliit na sikreto ko na ikaw lang ang makakaalam at hindi mo ito magagawa sa mga strangers." Tinitigan ko siya ng mabuti. "You know, I always treated my friends as my family. You're my family Nolan. You're one of my friends. And I will always treasure you, all of you." Napatanga siya sa sinabi ko at nginitian ko naman siya.

"Y-You. You really treated me as your friend?" He pointed me and himself at tumango naman ako.

"Oo naman!" masaya kong sabi.

Napakurap-kurap siya na parang inaabsorb ang mga sinasabi ko.

Ngumiti na rin siya at napakamot pa sa magulo magulo niyang buhok. "Salamat Trixy."

"You're always welcome, Nolan. At kung gusto mo ulit ng ganitong pag-uusap, narito lang ako. I'm all ears, kahit wala pang kwenta ang sasabihin mo, makikinig ako. Sige na, mag babasa pa ako para sa finals natin." Ngumiti pa ulit ako sa kanya at akmang aalis na sa kinauupuan na katabing upuan niya pero marahan niyang hinila niya ang braso ko.

"Bakit Nolan?" tanong ko pa na nakatayo na.

"Sorry, Trixy." Titig na titig siya sa akin nang sinabi niya 'yon at halos kabahan ako sa sinabi niya pero nawala rin dahil sa kanyang ngiti sa huli. Weird, bakit kaya siya nag sorry?

"You can go now, Trixy. Goodluck sa finals natin, huwag ka na magkalagnat ah?" Tumawa pa ako sa huling sinabi niya pero tumango na lang ako at bumalik sa pwesto ko.

Ganito pala pakiramdam kapag may mga kaibigan kang mapagkakatiwalaan. Unti-unting nawawala ang trauma ko sa ginawa sa akin ni Clinton noon, since nakapag-usap na kami ni Clinton at nagkaintindihan na sa pangyayari. Dumagdag pa sila Francine, Celestine at ang tatlong kutong-lupa na sina Ream, Nick at Steel. kaibigan at pamilya na rin ang turing ko sa kanila.

Dumating pa ang teacher namin sa subject namin ngayon at nag review nga kami. Gano'n din ang nangyari sa iba naming class, puro review lang para sa finals namin.

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now