Chapter 17.2

4K 139 2
                                    

CHAPTER 17.2

 

 

Pagkatapos ng makapagdamdaming pag-uusap ay dumiretso naman kami sa isang hotel at doon nag-stay. Ayaw ko sana na sa iisang pad lang kami ni sir Francis pero sinabi niyang marami kaming pag-uusapan at isa pa, malaki naman ang pad at two bedrooms naman.. Tama lang naman, dahil ang dami dami DAMI ko rin sa kanyang itatanong at ikaklaro.

“I’m sorry, Jade for taking you in this situation..” panimula niya. Huh! Buti alam nya! Nandito kami ngayon sa mini terrace kung saan kami pwedeng makapag-usap habang sumisinghot ng sariwang hangin habang nagkakape. Hustle nga lang dahil nakakalula! Nasa ika 50 palapag lang naman kasi kami. >.<

Tiningnan ko sya ng masama at sya naman ay napatingin sa kalawakan ng city na tanaw namin.

“Bakit ako, sir Francis? Ang dami namang ibang babae dyan na pwede mong hilahin, pero bakit ako pa?”

“Why you?...... I don’t know either…. I have no choice..” pacool na sabi nito sabay smirk. Aba’t kayabang!

Magsasalita sana ako nang sapawan nya ako sa pagsasalita, “Marry me, Jade.” Nganga ako sa sinabi nya habang nanlalaki rin ang mga mata. “I’ll pay you kahit gaano pa kalaki. Just marry me and bare my child.” Unti-unti namang naningkit ang mga ko sa mga sumunod nyang sinabi.

Parang ganon lang kadali sa kanya ang pagpapakasal at pagkakaroon ng anak. Alam ko naman ang sitwasyon nya ngayon pero pakiramdam ko ay naging harsh sya sa pakiusap nya. Wala man lang pasubali! Straight to the point kung magsalita!

“Sir, hindi ganon kadali ang hinihiling mo sa akin. Kahit bayaran mo pa ako ng ISANG MILYON, hindi ko papatulan yan dahil ang mga pangarap ko naman sa buhay ang nanganganib na mawala dahil dyan sa hinihiling ninyo.” Naiilang ako sa mga tingin na ibinato nya sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip nya. Straight face lang eka nga.

“What about the promise?” nangunot ang noo ko sa tanong nya.

“Anong promise?”

“Yung promise mo kay umma.” Napakagat ako sa labi. Arrrrrrhhh! Nakalimutan ko ang mga salitang binitawan ko sa matanda. Bakit nga ba ako biglang napaOO? Haii naku Jade!

“For real? Na-nakisakay lang naman ako sa gusto mong mangyari that time! And you have no idea kung gaano karami akong humingi ng tawad sa panginoon nang magsinungaling ako. Hindi kaya ako marunong magsinungaling! That time lang!” nag-iba ako ng direksyon ng tingin para hindi nya mahalata ang pagkatense ko. Kinakabahan kasi ako sa mga susunod nyang sasabihin!

“I know….. but…..aish!......Fine, if you really don’t want to do it, mapipilitan akong sabihin kay umma ang totoo. I hope hindi sumama ang loob nya kapag nalaman nya ang lahat, nakita mo naman ang nangyari kanina when she found out the fact that I lied to her….right?”.

NANGONGONSENSYA?!

Pumasok naman sa isip ko ang nahihirapang matanda kanina nang malaman nito na nagsinungaling ang magaling nyang anak. Nakakatakot kung iisipin dahil maaaring maging dahilan ‘yon ng maaga nyang pagpanaw.

MS. DUGYOT v.s MR. CLEAN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon