Chapter 36

3.8K 109 0
                                    


CHAPTER 36

Jade's POV

"Akala ko party ang pupuntahan natin, show off pala." Bubulong bulong na sabi ni kris na syang ikinatawa ko. Paano naman nakakatuwa kasi ang itsura nya, galit ang mukha. Panay kasi ang bati ng mga babae kay sir JB simula nang makapasok kami sa club.

Yes sa club kami nagpunta for the celebration daw. Ayaw ko sana ng magulong environment pero okay naman pala dito dahil hindi naman ganon kawild ang atmosphere. Mukhang may breed ang mga nagpupunta dito.

Isa pa itong si David na hindi rin nauubusan ng mga babaeng nagpapakilala sa kanya. Well, hindi ko naman masisisi ang mga babae na lumalapit sa kanila, talaga namang may ipagmamalaki ang looks nang dalawa.

"Hey guys! Come on here!" tawag ni sir JB sa amin sa isang group table.

"Tss. Buti naalala pa nila na may kasama sila." Bulong na naman ni Kris. Hinawakan ko nalang ang kamay niya at hinila papunta kina sir JB at David.

Umorder na rin kami ng beer at ibang pulutan. "Jade tara sa dance floor, mukhang busy naman ang dalawa dyan." Yaya ni Kris sa akin, napatingin ako sa dalawang lalaking kasama namin na hindi pa rin nauubusan ng mga babaeng nagpapapansin sa kanila.

Well, meron din namang mga lumalapit sa amin na mga boys pero dinidedma lang namin. Papatalo ba naman kami? Hehe.

"Okay." Sagot ko. Mas mainam na rin siguro na ienjoy ko ang sarili ko kaysa magmukmok.

JB's POV

Gusto ko sanang sundan ang dalawa sa dance floor pero itong mga babaeng nakikipagkilala sa amin ni David ay hindi kami tinitigilan. Alam kong gwapo ako pero sana naman tantanan na nila ako dahil mukhang hindi na natutuwa ang babe ko!

"What the hell are you doing, JB?" its hyung na kadadating lang. Agad namang lumipat ang mga babaeng kausap ko sa kanya at sya naman ang pinutakte.

"Get lost." Cold na sabi nito sa mga babaeng nakikipagkilala sa kanya. Iba talaga ang karisma ni hyung, asar. Hehe.

"Pfft..." umupo siya at yung mga babaeng binigyan niya ng cold treatment ay napahiyang umalis nalang.

"Akala ko hindi ka pwede?" tanong ko.

"I never said that. Tss." He answered. Napatingin sya sa kasama kong si David.

"Ahh, this is David, hyung. Model and actor din sya. David, this is my brother, Francis Escudero---" inilahad ni David ang kamay niya para makipagkamay kay hyung, pero hindi ito inaabot ni hyung.

"I know."

"You knew him?" napataas ang kilay ko.

"Tss." Ininom nya ang beer sa harapan niya at umikot ang tingin nito sa paligid. Nagkaroon naman ako ng pagkakataon para humingi ng pasensya kay David.

"Sorry dude. Suplado lang talaga yang kuya ko. Pinaglihi kasi sa ampalaya." I laugh and take a sip on my beer too.

He didn't answer me, instead uminom nalang din sya.

"Sh*t!" hyung hissed. Hindi na ako nakapagtanong kung ano ang problema dahil agad syang tumayo at tumungo papuntang dance floor. Pinag-aralan ko naman kung ano ang sitwasyon sa dance floor, wala namang kakaiba sa mga nagsasayaw. So what hyung's problem?

Sinundan ko lang ng tingin si hyung habang papalapit kina Jade na patuloy pa rin sa pagsasayaw nang malipat ang tingin ko kay Kris.

"Sh*t!" I hissed. Tumayo ako at tumungo na rin sa dance floor.

MS. DUGYOT v.s MR. CLEAN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon