Chapter 6

4.5K 167 13
                                    

CHAPTER SIX

 

 

After 3 days…

 

LOOOSSSHHHAAANNGG NA ANG LOLA NYOOOOOO!

Talaga naman oo, napakamalas ko nga namang nilalang oo. Tatlong araw, TATLONG ARAW NA AKONG MUKHANG ZOMBIE DAHIL SA HALIMAW KONG AMO! TATLONG ARAW NA  AKONG HINDI NAKAKAPASOK SA F.S SCHOOL! AT TATLONG ARAW NA RIN AKONG KINUKULIT NI KRIS TUNGKOL KAY SIR JB!

Biruin ba naman kasi… Pagod na nga ako sa trabaho…. sa office ni Sir Francis tapos kapag uwian na dakilang katulong naman ang beauty ko. Utos dito, utos doon, left right up down south west east north KUNG MAG-UTOS! Hello naman??? Tao ako oh, hindi robot! Bwisit!

Hindi naman ako makapalag. Tss.

“Hoooooooooooooooooooo!!!!” sigaw ko. Wala namang ibang tao dito kundi ako lang. Kahit tangkain kong tumalon ngayon, walang pipigil sa akin! Kasi…..nasa rooftop ako at dito ko naisip na isumpa ang amo kong deeeeeee….moooooooon…..yoooooooooo! Pssh!

“Pusang kinalbo kaaaaaa!!! Halimaw sa baaaaa------ngaaaaaaaa!! Walang puso! Walang atay! Walang balun-balunan! Walang…. Walang wala ka kay sir JB ko! Haaaaaaaa-------yuuuuuuuup! Pakamatay ka na! Tubuan ka sana ng ilong sa noo!!!!” hooo hingang malalim… okay … bwelo….game! “Pinsan ka ni satanas! Barakuda! Barabas! Hestas! Madiwara! Utos ng utos! Pautos ka sa nanay mong panot!........ IMPAKTO KA TALAGA!” hoooo! Wish ko lang tamaan sya sa mga sinasabi ko. Kaso hindi eh, hindi nya ako naririnig. Like hello? Nandun kasi sya sa office nya at kahit lunch break nakasubsub pa rin sya sa mga paper works nya. Haii naku naman talaga oo! Sino ba ang gumawa dyan sa Francis Escudero na yan at naging ganyan?! Mabait naman sana si Sir JB na half brother nya. Haiii!

“Mukhang galit na galit ka kay hyung.”

 

“Ay palaka ka!....... Si---sir JB?!” patay kang Jade ka! Hawak-hawak ko ang puso kong malapit nang mapagot habang nanlalaki ang mata. Narinig kaya nya lahat ng pinagsasabi ko? …….. Utang na loob…. H’wag naman sana! Huhu!

 

“Sorry. Nagulat ba kita?” tumabi sya sa kinatatayuan ko rin at may ngiti sa labi nya na parang inaasar ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito sya. Shock na shock lang?

*kriiiiiiiik…krrriiiiikkk….krrriiiiiik (katahimikan)

 

“Ah….eh….. Sir JB?” Kinakabahan ako. Woooh! Jade, kasalanan mo naman eh! Hindi ka nag-iingat! Hindi mo tinignan mabuti kung may tao ba o wala! Eh rooftop ‘to noh! Malamang na madalang lang na may magpunta dito. At saka wala naman tao kanina dito maliban lang sa akin. Malas ko nga lang at si Sir JB pa napadpad dito. Eh dapat chineck mo pa din!

Para kong baliw na kausap ang sarili ko sa utak ko. Aisht!

“Mmm?” sumagot sya pero hindi tumingin sa akin. In fairness ang cool nyang tignan. Nakapamulsa ang dalawa nyang kamay sa pantalon nya at cool na cool na nakatingin sa mga nagtataasang building na natatanaw mula rito sa kinatatayuan namin. Tapos hinahangin pa ng bahagya yung cool nyang buhok! Aww! Gwapo talaga neto, nakakainis!

MS. DUGYOT v.s MR. CLEAN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon