Chapter 2

7.2K 197 7
                                    

CHAPTER 2

Pagkatapos kong walisan, punasan ang buong bahay, magkibkib ng inidoro, walisin ang bubungan, linisin ang pool, tanggalin ang mga ligaw na damo….haii… mag-urong, maglaba, mamalantsa, maligo at gumayak, weeew! Nagpunta na ko sa F.S School for Rising Star kung saan matatagpuan ang mga ambisyosang katulad ko na gustong sumikat at magpasikat sa madlang pipol.

May sampung palapag ito at sa 9th floor pa ang punta ko. Hindi naman ito hadlang sa trabaho ko dahil wala naman ang amo kong utod ng sungit at ubod sa linis maghapon dahil workaholic ito. Dun na ata balak tumira yun eh. Gabi na kung umuuwi yun galling trabaho, minsan hindi pa nga. Out of the town daw, meeting chubaness.

Kaya maluwag akong nakakaalis sa tanghali, di nga lang ako nagpapaabot ng dilim dahil kailangan ko pang magluto ng hapunan. Minsan rin kasi, paminsan-minsan lang naman, nanunurpresa ito at maagang nauuwi kapag bad trip sa office.

Nakarating ako sa 9th floor gamit ang elevator at pumasok sa isang silid. Nandito na ang mga kasama ko.

“Hoyyy.. late ka na naman Jade.” Bati sa akin ng isang maputing babae na nakasuot ng maikling palda, tube na kulay pink na may design na rosas sa gawing kaliwa ng kanyang dibdib, nakalugay ang hanggang balikat nitong buhok na kinulayan ng brown, medyo may katangkaran sa akin ng bahagya at mas maganda naman ako ng konti kung ikukumpara sa kanya.

“May dinaanan lang, Kris. Wala pa naman yung instructor eh.” Hinawakan ko ang palda nya para ibaba ng kaonti. Masyado kasi itong maikli, halos makikitaan na sya sa konting hangin at yuko pa nya. May isang buwan na rin kaming magkakilala ni Krissia Ferrer, masasabi kong sya lang ang bukod-tanging hindi nagplastik sa akin, kaya naman nakapalagayan ko agad sya ng loob at naging magkaibigan kami. Kahit na medyo may katarayan, straight forward kung magsalita, kaartihan sa katawan at kilos ang babaeng ito, labs ko yan. Kesa naman sa ibang mga kasama namin dito, papansinin ka lang kapag may kailangan o kaya may gustong malaman na bagong tsismis. Tss.

“Sus, lagi nalang yan ang dahilan mo friendship. Ibahin mo naman pwede ba?” Nagcross arm sya at sabay na umirap pa saka itinaas muli ang suot nyang palda. Pasaway talaga.

 

“Basta kasi…. Ano ba Kris, ibaba mo nga ng konti yang palda mo.” Sabihin nya nang nega ako, kesa naman makitaan sya diyan ng kung sino-sino. May mga lalaki rin kaya kaming kasamahan dito.

“Wala kang pake’, legs ko ‘to!” Sabi nya.

“Edi legs mo lang. concern lang naman ako kasi baka makitaan ka dyan sa suot mo.” Sabi kong nakapoker face.

“Parang ngayon mo lang ako nakitang nagsuot ng ganito ah.”

“Di pa rin ako sanay.”

“Edi masanay ka na.”

“Eh kung ayoko?”

“Edi, mind your own business.”

“Wala kong business.”

MS. DUGYOT v.s MR. CLEAN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon