Chapter 8

4.1K 159 5
                                    

CHAPTER 8

 

 

Hoooray! Last day ko na as secretary ni boss manager amo kong…. Haii… hamu na. Good ulit mood ako ngayon kaya hindi ako magmumura. Taga nyo sa bato! Haha!

“Jade! Hindi pa ba tapos ang pinapatype ko sayo?! Kanina pa yan ah! Napakakupad mo!” okay… h’wag magagalit… Last day na… Lubus-lubusin na nya ang pag-uutos sa akin dahil huli na ‘to.

“Ipiprint nalang po, boss.” Sagot ko. Tumingin ako sa kanya pagkatapos kong pindutin ang print button. Ngingiti-ngiti pa ako habang naiiling. Sakto naman na napatingin rin sya sa gawi ko kaya mas tinamisan ko pa ang pagkakangiti ko.

Hehehe .. Sige lang boss. Magalit ka lang dyan. Hehe.

 

“Nginingiti-ngiti mo dyan?... Yung pinapagawa ko sayo!” sigaw nya. Hehe. Go lang ng go! Tumayo ako at pinuntahan ang printer machine. Sakto naman na tapos na ito kaya kinuha ko kaagad at lumapit sa kanya.

“Eto na po.” Nagboses Chichay ako habang hawak ko yung report na pinagawa nya sa akin at nakalahad  na sa harapan nya. Nag-angat naman sya ng tingin at nag ‘tss’ tapos hinablot sa kamay ko ang report na kaylangan nya. Ngumiti nalang ulit ako at saka tumalikod.

“Ahh, Jade.” Tawag nyang muli nang paupo palang sana ako.

“Bakit po, Sir Francis?” sagot ko sa kanyang nakangiti. Nagdiretso naman ang kilay nito at nagpoker face.

“What’s with your smile? You look more stupid than usual.” Sabi nito. Okay Jade ngiti lang… Tandaan mo… Last day na ito. (*Insert nanginginig na nguso habang nakangiti here.)

“Nothing, Sir.” (*insert ngiting malapit nang maging nanggigigil here.)

“Mukha kang aso.” Then he grined.Aish!

 

“Sir sabihin nyo na ang iuutos mo nang matapos na.” Sabay irap ko pero naalala kong BOSS ko nga pala sya kaya bumaling ulit ako sa kanya habang naka peace sign gesture. “He.He.He. Oo nga, boss. Mukha akong aso. He.he.he.” (*insert kumikibot-kibot na ugat sa sentido here.)

 

Huh, buti inamin mo…. Now give me ten copies of this.” Then binalibag lang naman nya yung ipinapaxerox nya sa akin. Psh! Hindi nalang sampo ang pinaprint nya. Gusto nya talaga akong palisaw-lisaw sa opisina. Tch! Ang sama ng------- Ang bait nya! Graaaaabeeee!  

 

Hinawi ko ang buhok ko, yung hawing pangmaganda ha, at saka dinampot yung nasa lapag na pinapakopya nyang hinagis lang nya basta tapos sexy walk out ang peg.

“Give me ten copies of this nye nye nye.” Panggagaya ko sa sinabi nya pagkalabas ko ng office nya. Tss.

MS. DUGYOT v.s MR. CLEAN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon