Chapter 29

3.6K 122 6
                                    

Chapter 29

 

 

 

Jade's POV

 

 

"Miss saang lugar ba 'to?" tanong ko sa babaeng nasa front desk. Tumigil sya sa pagkukuko sa kamay nya at tumingin sa akin. 

"****Resort po madam." Napapoker face ako dahil sa isinagot nya. Alam kong nasa resort ako, obvious naman sa mga nakikita ko at nabasa ko na din kung anong pangalan ng resort sa pader na may nakasulat na pagkalaking pangalan pangalan ng resort, but I have no idea kung saang lupalop na lugar ba ito. Very refreshing ang lugar and relaxing, pero hindi ko magawang magrelax sa di ko malamang dahilan.

"May telephone ba kayo? Pwede bang makitawag?" konti lang ang mga kabisado kong number at mabuti nalang, kabisado ko ang number ni Kris.

"Heto po madam." Iniabot naman sa akin ang telepono. Nagdial ako ng number at nagring naman ito.

Nakakatatlong ring na ay hindi pa rin sinasagot ni Kris. Wala kaya sya sa condo nya?

Ibiniba ko ang tawag at dinial naman ang number ni sir JB. Habang hinihintay kong magring ang kabilang linya ay may umagaw sa akin ng telephone at ibinalik sa babaeng nasa front desk. Napalingon naman ako sa nang-agaw sa akin ng telephone at sinamaan ng tingin.

"Tss. No calls allowed." Sabi nitong nakatitig ng masama rin sa akin.

"Sino ka para utusan ako?" nanggigil ako sa galit! Dinala nya ako kung saan, tapos tinapon pa ang cellphone ko! Tapos ngayon bawal pa ang makigamit ng telepono at tumawag?! Ano ako, bilanggo?!

Tinalikuran ko sya at iniwanan.

Napadpad ako sa isang garden nang hindi ko namalayan sa dami ng sinasabi ng utak ko, at sa di kalayuan ay matatanaw mo ang isang malaking swimming pool. Umupo ako sa isa sa mga swing na nakita ko at napatingala sa langit.

Ang ganda sanang magbakasyon dito kung wala lang akong kasamang nakakabwisit!

 

Kapag nakuha ko si Francen dadalin ko sya dito. Siguradong magugustuhan nya dito. Isasama ko rin si Kris, sir JB at David para makilala nya ang mga friend ng mommy nya.

 

Oo nga pala. Hndi ko pa nasasabi sa kanila ang tungkol kay Francen. Maski ako ay nagulat nang tinawag nya akong mommy. Out of the blue naman kasi sumulpot ang anak ko. Akala ko napagkamalan lang nya ako pero nang ipakita nya sa akin ang picture ko nung nasa Korea pa ako nang ipinagbubuntis ko palang sya ay halos hindi ako makapaniwala.

At sobra ko syang namiss! Sobra!

Ang liit liit pa nya noon nung huli ko syang nakasama. Pero ngayon ang laki na nya. Hindi ko na nga sya nakilala na sya na 'yon. Akala ko kapag nagkita kami ay kamumuhian nya ako. Magtatanong kung bakit ko sya nagawang iwanan. Pero salamat naman at hindi ganon ang nangyari. Hinanap nya ako at tinanggap ng buong puso.

MS. DUGYOT v.s MR. CLEAN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon