Chapter 22

3.4K 117 3
                                    

CHAPTER 22

 

 

Ilang beses na gustong bumalik ng mga paa ko sa dalawang taong pinakamahalaga sa akin. Ngunit nagtatalo ang isip ko. Kung babalik ako, anong sasabihin ko? Anong sasabihin nya? Kaya ko bang tiisin ang mga ipinapakita nya sa akin? Kaya ko bang makasama ang isang taong mas malamig pa sa yelo at mas matigas pa sa bato? Sapat na ba sa akin na makita ko at makasama ang anak ko kahit na wasak naman ang puso ko?

Kung ako naman ay tuluyan nang lumayo sa kanila, makakaya ko bang magsimula ng panibagong pahina ng aking buhay?

Aish! Hirap talaga kapag ganitong emo, nagiging matalinhaga tapos sobrang ang drama pa.

“Lord, give me a sign naman po.” Sabay hinto ng bus sa harapan ko. Ito na ba ‘yon? Ito na ba ang sign na kailangan ko na nga silang iwanan?

Sigh…

 

Binitbit ko ang mga dala ko at saka sumakay ng bus. Pero bago tuluyang magsara ang pintuan, may  narinig akong parang may tumatawag sa pangalan ko. Napapikit nalang ako. Hayyy, ganito ba talaga kapag heart broken? Naririnig mo ang boses nilang tinatawag ka?

Ipinilig ko ang ulo ko at saka umupo nalang sabay Ipinikit ko ang mga mata ko. Pagkarating ko sa airport ay dumiretso na ako pasakay ng eroplano. Eto na ‘yon, “Fighting!”

Philippines

 

Pagkababa ko ng eroplano, halo-halong kaba ang nararamdaman ko. Saan ako pupunta? Sa bahay lang naman ako ng mga Escudero tumutuloy. Yung dati ko namang nilipatan ay binitawan ko na tulad ng utos ni-

France-

 

At kung makakaharap ko naman si Kris ay siguradong tatadrarin ako ng tanong kung saan ako galing at kung bakit ngayon lang ako nagpakita. Anong sasabihin ko?

I need to focus. Magsisimula ako para sa anak ko. Gusto kong kapag nagkita kami ulit, makilala nya ako  bilang mabuting ina at magawa nya akong ipagmalaki. Hindi ang nanay nya na iniwan sya dahil sa kasawian.

“My Goooood! Please help me!” naiusal ko sabay tinangala.

“Jade? Ikaw ba yan?” napatingin ako at napakunot sa babaeng nakashade na nakasuot ng maganda na huminto sa harapan ko.

Tiningnan ko sya ng malimit pero hindi ko sya makilala. Nang hindi ako nakasagot ay tinanggal nito ang shades nya. Napatitig ako sa babae, pinaningkitan nya ako ng mata at unti-unting nanlaki ang mata ko .

“Kris?” naiusal ko. Halos hindi ko sya nakilala dahil ibang-iba ang ayos nya. Magsasalita sana  sya nang dumami ang tao sa paligid namin at marami ang humihingi ng autograph.

May mga taong humarang sa mga taong nagkakagulo sa paghingi ng autograph at picture mula kay Kris kaya nakaalis kami sa lugar na ‘yon ng maayos. Isinakay nya ako sa magarang van at doon pinagpapalo sa braso.

MS. DUGYOT v.s MR. CLEAN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon