Chapter 7

4.4K 214 7
                                    

CHAPTER 7

 

 

Wehehehehe…

Di naman masyadong halata na tuwang-tuwa ako ngayon noh? Hehe. Alam nyo kasi, ganito yan.

Yeeeeehhhhh!... ahihihi!

 

“You look stupid, Jade….. Ahh… Stupid ka nga pala talaga.” Ayy, epaloids lang teh? Nakuuuu pepektusan ko ‘to eh. Naninira ng magandang mood! Ano naman ba kasi ang masama sa pagngiti-ngiti ko habang naglilinis? Masama bang alalahanin ko ang naging dinner date namin ni Sir JB na talaga namang nakakakilig to the bones? Hindi naman di ba?

Hindi nalang ako nagsalita at ipinagpatuloy nalang ang paglilinis ng kwarto nyang napakalinis pa naman. Ni halos wala nga akong makuhang dumi o kahit anong alikabok eh. Ang kintab kintab pa ng sahig nya pinapalampaso na agad. Sus! Kaartehan nya kamo!

Sunday ngayon kaya nandito ang amo kong maarte pa sa akin. Ewan ko nga ba dyan. Dati-rati naman kahit Sunday pumapasok sa office yan eh. Ginagawang simbahan ang opisina nya. Dinadasalan yung mga paper works. Tss.

Pero alam nyo, nakakakilig talaga yung naging dinner date namin ni sir JB! With matching candles and flower petals pa na nakapaligid sa table namin! Tapos with matching balloons balloons pa ang peg! And take note… take note huh….Nasa rooftop kami ng isang mamahaling restaurant! Ang sasarap ng pagkain na nakahain sa amin that night na talaga namang maturat-turat ako sa sobrang busog! Kyaaaaaah! Di ba? Nakakakilig? Hihihi! May gusto kaya sa akin si sir JB?

SANA NAMAN LORD! UTANG NA LOOB!

 

“Hoy baliw na Jade. Anong ginagawa mo?..... nagdadasal? Pffft.” Dahan-dahan kong ibinaba ang palad kong magkadaop (Yung pormang nagdadasal), at pangiwing humarap sa kanya at ngumiti ng ngiting aso.

“He.He.He.”  sabay harap ulit sa ginagawa ko. Anak ka talaga ng nanay mo Sir Francis!

 

Binilisan ko na ang paglilinis dahil hindi ko na kering kasama ang amo ko sa loob ng isang kwarto. Nakuuuuuuu! Titirisin ko sya eh. Ni hindi man lang ako bigyan ng kahit isang araw na pahinga. Kala nya sa akin kalabaw?! Hindi marunong mapagod?! I’m sure napapagod din naman ang kalabaw noh, baka nga pinagpapawisan din eh. Pffft.

“Boss Francis, tapos na ho…. Lalabas na ako.” Sabi ko sa kanya habang hawak ko yung feather dust, dust pan, walis tambo, basahan at yung marumihan nya. Oh sya, hindi na ako magkanda-ugaga sa pagbubuhat ng mga hawak ko. Samantalang yung amo ko… hayuuuuuuun… nakapakat ang tingin sa laptop nya at may tinatype. Workaholic talaga.

 

Hindi sya sumagot kaya lumabas nalang ako. Ang bigat kaya ng dala ko, baka mabali pa ang mga buto ko kung hihintayin ko pa syang sumagot. Pssh.

Paglabas ko ng kwarto ni sir Francis ay sya namang pagbukas ng pintuan ng kwarto ni sir JB. Ohhhh eemmmm! Hang sekseeey!

“Oh, Jade? Tulungan na kita?” sabi nito habang papalapit sa akin. Emergeeeesh…. Ang sexy sexy nya sa pambahay na suot nya. Plain white sexy sando and pajamas! *lunok…*lunok… Nanginginig yata ang tuhod ko. Ang sexy din ng pagkakagulo-gulo ng buhok nya! Di katulad ng buhok ni sir Francis…. Mukhang bird nest. Haha!Tapos ang baduy pa magsuot ng damit, laging naka t-shirt. Nahihiya siguro sa katawan nya dahil wala syang pandesal. Haha!

MS. DUGYOT v.s MR. CLEAN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon