Bago sila umalis ay binigyan nila ako ng malaking halagang pera para raw makabili ng gamit at makapag-ayos sa gaganaping event sa araw na 'yon.

"We love you anak," ani mom

"I love you sweetie," ani dad.

Muli ko silang niyakap. Kung puwede lang na araw-araw ko silang makasama.

"Mahal na mahal ko rin kayo mom, dad. Mag iingat din po kayo palagi."

Tinignan ko ang papalayo nilang sasakyan at bumalik na sa apartment ko ng malungkot dahil ako na naman ang mag-isa.

"I miss them," bulong ko, at nag ayos na ng aking sarili dahil naka-uniporme pa rin pala ako.

Inumpisahan ko na ang paggawa ng mga projects and paper works ko para pag matapos ko na ito ay makabili na ako ng mga kakailanganin ko sa event na mangyayari sa sabado ng gabi.

Dalawang araw na lang ay magaganap na ang event na pupuntahan ko. Naipadala na ni mom and dad ang invitation ko dahil kung wala no'n ay hindi ako makakapasok.

Pagkauwing-pagkauwi ko sa aking apartment ay humiga ako sa aking kama pero agad ring tumayo para makapagbihis dahil ngayon na ako mag s-shopping ng mga susuotin ko sa sabado.

White t-shirt na pinatungan ko lang ng denim jacket, naka-jeans at vans na sapatos ang sinuot ko bago pumunta ng mall.

Kaninang lunch break namin ay saglit kaming nagkita nina Francine at Celestine dahil katulad ko ay na-miss din nila ako.

Nag-usap lamang kami at nabalitaan ko na kasama si Francine sa magaganap na event sa sabado. Niyaya pa kami ni Francine na sumama sa kanya pero umayaw kami ni Celestine dahil nga sa hindi naman kami nababagay doon... pero syempre dinahilan ko iyon dahil kasama naman talaga ako.

Nag commute lamang ako at pumunta sa isang mall na puro mamahalin ang binibenta roon. Nang makarating ay pumunta agad ako sa isang boutique.

"Ah ma'am, mukhang nagkamali ho kayo ng pinuntahan..." Tinignan pa ako ng sales lady mula ulo hanggang paa.

Napagkamalan niya siguro akong hindi kaya bilhin ang mga damit dito.

"I know where I am. And I have my money, miss." Natahimik ang sales lady at sinundan ako para i-guide sa mga pinipili ko.

Ayoko sa lahat ay yung nang mamaliit ng tao dahil lang sa nakikita ng mga mata nila.

Maraming magagandang damit at halos malula ako sa mga presyo pero sobra naman ang binigay sa akin ng magulang ko... sobra-sobra na kaya ko namang bilhin, nanghihinayang lang talaga ako.

Nahirapan akong mamili sa tatlong nagustuhan ko na dress. Ang mga color na napili ko ay royal blue na coctail dress at sobrang simple lang, black and red na parehas na long dress at hapit na hapit sa katawan ko.

Ang nagustuhan ko ay ang red na long dress. Nang sinukat ko ito ay kitang-kita ang pagkaputi ng balat ko. Backless din ito at hapit na hapit sa katawan ko kaya kita ang pagkakurba ng bewang ko.

Habang nakatingin sa salamin ay hindi ko maiwasang mamangha sa sarili ko.

Kaya ito ang napili kong dress dahil simple ito pero alam kong makakakuha ng atensyon. At kadalasan ay puro mga maluluwag ang damit ko sa akin, pati ang uniform ko sa school ay medyo maluwag sa akin kaya walang taong nakakakakilala sa akin na Trixy ang magiging familiar sa pigura ko.

Pumunta na ako sa counter at nagbayad. Sa tatlong dress na nagustuhan ko ay itong napili kong pula, ang pinakamahal.

Bumili rin ako ng maskara na kulay pula dahil nga Masquerade night iyon.

I Saw the Future OnceOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz