Suddenly, I found myself crying while hugging him back. He caressed my hair.

"Gwaenchanha..."

Bulong niya sa tenga ko. Naalala ko yung nangyari kanina. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Ang tanga tanga ko.

"Sorry, ang tanga tanga ko kasi eh. Kung hindi dahil sakin siguro okay pa si Jisung ngayon. Wala sana siya sa ospital ngayon."

Puno ng pagsisisi kong sabi. Naramdaman ko na lang ang paghalik ni Soobin sa buhok ko. He broke the hug and lifted my chin.

"Hey, look at me."

Tumingin ako sa mga mata niya. He wiped my tears using his thumb.

"It's not your fault okay? He did it because he wants to protect you and not to blame yourself for it. So stop crying, you are hurting me."

Ani ni Soobin. Tumango ako bilang sagot. Alam ko namang sinabi niya yun para gumaan ang loob ko at na appreciate ko yun. But still, hindi ko pa rin maiwasang sisihin ang sarili ko sa nangyari.

Pumunta kaming dalawa sa baba para bumili ng maiinom. Pagkatapos bumalik kami sa kwarto ni Jisung. Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ng kama ni Jisung. I'm praying to God na sana magising na siya.

"Suri..."

Napalingon ako kay Soobin. Nakaupo siya sa tabi ko.

"Hmm?"

"I wasn't able to finish what I wanted to say to you earlier, right?"

Tanong niya. Tumango ako bilang sagot.

"Then let me continue it this time."

Nagpakawala siya ng isang buntong hininga at humarap sa'kin.

"Actually, me and Lia were-"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nung biglang gumalaw si Jisung. We both looked at him.

"Jisung-ah?"

Hopeful kong sambit sa pangalan ni Jisung. Iminulat ni Jisung ang mata niya. Tumingin siya sakin.

"Salamat sa Dios gising ka na!"

Napaluha ako dahil sa tuwa.

"Gomawo... Gomawo..."

Pasalamat ko habang umiiyak.

"Tatawag muna ako ng doctor."

Paalam ni Soobin at lumabas ng kwarto. I wiped my tears at tumingin kay Jisung.

"Gwaenchanha? May masakit ba sayo?"

Puno ng pag-aalala kong sabi. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Nae, masakit dito."

Inilagay niya ang kamay ko sa dibdib niya. Napangiwi ako mentally. Kung hindi lang siya naaksidente siguro binatukan ko na siya ngayon.

"Tigilan mo nga ako jan sa mga kalokohan mo. Kita mo na ngang nag-aalala ako dito eh."

Ani ko sabay kalas ng kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Nginitian niya ako.

"Makita lang kita dito sa tabi ko, lahat ng sakit ko sa katawan nawawala."

Banat niya. Hindi ko na lang yun pinansin.

"Mian..."

Kumunot ang noo niya.

"Wae? Bakit ka nagsosorry?"

"Kung hindi dahil sakin eh di sana hindi ka na injury."

Ani ko habang nakayuko. Jisung tappped my head. Napatingin ako sa kanya.

"Don't be sorry, be thankful instead."

Sabi niya sabay wink. I rolled my eyes and smiled at him.

"Oo na, oo na. Pero salamat. I mean, salamat sa pagligtas sakin. Utang ko sayo ang buhay ko."

Agad naman siyang napaisip. Bahagyang kumunot yung noo ko.

"You owe me your life right?"

Tanong ni Jisung. Tumango ako bilang sagot.

"Then do me a favor."

Naguguluhan man ay sumang-ayon pa rin ako sa kanya.

"Osige, ano ba yun?"

Nginitian niya ako. He looked at me directly to my eyes.

.

.

.

.

.

"Be my girlfriend again."

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Where stories live. Discover now