“Wag kang matakot sa kaniya, ganiyan lang kasi siya kumilatis ng tao.” Bulong sa akin ng naka-salamin. Tinanguan ko nalang siya.

Pinaglagyan niya ako ng pagkain sa plato ko at nag-laway naman ang bagang ko nang mahalimuyak ang mabango nitong amoy, mukha pang masasarap.

“Salamat.” Sabi ko sa kaniya. “Teka muna, sino ba kayong dalawa?” Tanong ko sa kanila.

“Ako si Taehyung, Kim Taehyung at V nalang para mas maikli and don't worry, I'm a good boy.” Sabi ng naka-salamin na si Taehyung pala. “At siya naman ang kuya ko, si Kim Seokjin pero Jin nalang for short.” Sabi niya saka itinuro ang kuya.

Napatango-tango nalang ako. Mag-kapatid nga sila pero bakit hindi sila magkamukha? Magkaibang-magkaiba ang features ng mukha nila. Pero, parehas namang gwapo. Haay, heaven. Napapaligiran ako ng gwapo.

“Salamat nga pala sa pag-alaga sa akin nang may sakit ako, pasensiya na din dahil naabala ko kayo. Promise, kapag may pagkakataon babawi ako sa inyo.” Sabi ko sa kanilang dalawa.

“Your welcome, kumain na tayo para makauwi ka na din sa inyo.” Si Jin ang nagsalita.

“Salamat sa paghatid, V.” Nakangiting sambit ko kay V na nakapamulsa ngayon sa harapan ko. Ang gwapo talaga ng isang to, ang sarap jowain.

Ngumiti naman siya sa akin. “Walang ano man, masaya ako na maka-usap ka.”

“Ako din, ang saya mong kasama. Kayong dalawa ng kuya mo.”

“Sinungaling, aminin mo na, nasusungitan ka kay kuya. Ganon lang talaga yun, hindi kasi siya mahilig makihalubilo. Galit sa mundo yun e.” Aniya na ikinatawa ko.

Para siyang si Kaze. Pareho silang makulit at masarap kasama. Parehas pang gwapo! Haay, ang swerte kong tao. Lahat ng mga kaibigan kong lalaki ay kampon ni Adonis, lahat gwapo! Jusmiyo.

Nandito na kami ngayon sa harap ng building kung saan nakatira si boss. Dito na ako nagpahatid kay V dahil wala naman akong mapapala kapag pumunta pa ako sa bahay, wala akong susi e.

“Dito ka nakatira? Yayamanin ka pala.” Komento niya habang nakatingala sa mataas na building ja nasa harap namin.

“Ah, hindi. Yung boss ko lang yung nakatira diyan, tsaka hindi ako mayaman. Yung bahay na pinagkakaupuan ko nakaraan, yun yung bahay ko.”

“Ahh, yun pala yun.” Tumatangong sabi niya. “Oo nga pala, bakit ka ba nakaupo sa harap ng bahay mo nakaraan?”

“Wala kasi akong susi, naiwan ko. Tapos masakit na nga yung ulo ko non kaya napaupo nalang ako. Tapos ayun, naabutan niyo ako.”

Tumango-tango naman siya.

“Sabi ni kuya, kaya ka siguro nahimatay saka nilagnat ng mataas dahil pagod daw yung katawan mo. Halata daw kasi sa mukha mo tsaka ang payat-payat mo daw, minsan daw damihan mo kumain para hindi ka basta-basta himatayin, okay?” Paalala niya sa akin.

“Yes, doc.” Tumango ako na parang masunuring bata sa kaniya.

Ginulo niya naman ang buhok ko saka kinurot ang dalawang pisngi ko.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang