Chapter 9

12 6 1
                                    

Chapter 9: Her Fiancé

NAKANGISING nakatingin sa akin si Fenella habang sina Janus at Kael naman ay naghihintay sa isasagot ko.

Naglalaro kami ngayon ng Truth or Dare.

"Soooo… ano na? Sino ang MGA crush mo, Zi?" Nakangising tanong ni Fenella. Diniinan niya ang salitang 'mga'. Alam niya na marami akong crush dahil sa girl talk namin sa tuwing binabantayan niya ako pero hindi niya alam kung sino-sino ang mga iyon. Nanatili akong walang imik. Sure akong hindi nila kilala ang mga crush ko.

"Sige na, Zi. Sabihin mo na. Tayo lang naman ang nandito." Pamimilit ni Fenella.

Umiling ako at nag-cross arms.

"Hindi niyo kilala 'yon." Saad ko. Tiningnan ko silang tatlo at nang mapatingin ako kay Janus ay napataas ang kilay ko. Ako lang ba or talagang nakita kong nadismaya si Janus?

Tumikhim na lang ako at pinaningkitan sila ng mata.

"Mapilit talaga kayo eh, 'no?" Ngumiti lang sila kaya inirapan ko sila.

"Fine! Wen Junhui, Kwon Soonyoung, Jeon Wonwoo, Kim Mingyu, Dong Si Cheng, Park Jisung, Hwang Hyunjin, Felix Lee, Zhong Chenle, Kim Namjoon, Kim Seokjin, Kim Taehyung and Huang Renjun. Okay na? 'Di ba sabi sa inyo hindi niyo kilala?" Taas kilay kong sabi.

"Alam mo, sa lahat ng Kim na nabanggit mo, wala talaga akong narinig na Janus Kim." Tatawa-tawang sabi ni Kael. Sinamaan siya ng tingin ni Janus at natawa naman si Fenella.

"Pero kahit na hindi namin 'yon kilala, at least alam namin na hindi crush ni Zi si Janus." Sabi ulit ni Kael.

Napailing na lang ako sa kakulitan nila at napabuntong hininga. Nag-vibrate ang phone ko sa bulsa kaya kinuha ko ito.

Nag-text siya.

Sabi niya susunduin niya ako mamayang lunch break. Ano naman ang kailangan niya?

Hindi na ako nag-reply at ibinalik na lang ang phone sa bulsa ko.

"Oh, malapit na pala ang time. Tara na mga besh!" Masiglang aya ni Fenella at tumayo. Binitbit niya ang bag niya at tumingin sa amin.

"Oh? Wala kayong balak pumasok?" Tanong niya. Agad akong tumayo at kinuha na rin ang bag ko atsaka isinukbit sa balikat ko. Ganun rin ang ginawa nina Kael at Janus. Umalis na kami at pumunta na sa rooms namin.

Pagdating namin ni Janus sa room, walang imik kaming umupo sa upuan habang nakatingin sa board.

Pumasok na ang teacher namin sa susunod na subject kaya sa kaniya ko na lang itinuon ang atensyon ko kahit na naninibago ako sa katahimikan ni Janus.

· · · ·

NAPABUNTONG hininga ako nang mag-ring na ang bell. Niligpit ko ang gamit ko bago tumayo at humikab.

"Tara na." Napatingin ako kay Janus na nakatingin sa akin habang nakasukbit ang bag niya sa balikat niya. Every lunch, nagsasabay kaming apat na kumain. But I think I couldn't do that now.

"Sorry. May gagawin pa kasi ako. Sa susunod na lang ako sasabay. Babush." Kinuha ko na ang bag ko at isinukbit ko na sa balikat ko pero bago pa ako makaalis, nahawakan ni Janus ang braso ko. Napatingin ako sa kaniya at hinintay ang sasabihin niya.

"Bakit hindi mo ako crush?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Ano daw? Bakit hindi ko siya crush?

"Never mind. Umalis ka na." Binitawan na niya ang braso ko at tumalikod. Huh? Anyare sa kaniya? Hindi na ako nagsalita pa at umalis na lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Something NewWhere stories live. Discover now