Chapter 5

15 9 0
                                    

Chapter 5: The Family

"ATE ZI!" Napatingin ako kay Zayne na kakalabas lang sa front door ng mansyon at tumatakbo papalapit sa akin.

Napatingin ako kina Janus na nasa likod ko and gave them an apologetic look for Zayne's behavior.

They just smiled. Kakarating lang namin dito sa mansyon para sa dinner.

Binalik ko ang tingin kay Zayne na nakangiti ng sobrang lapad habang tumatakbo. Napatingin siya sa may bandang kaliwa ko and his smiling face turned into a frightened one.

Napatingin ako sa tiningnan niya at nakita si Yosh na tumatakbo papalapit sa akin. Binalik ko ang tingin kay Zayne na ngayon ay tumatakbo papasok ng bahay. May phobia sa mga aso si Zayne.

Bago pa ako masunggaban ni Yosh, umatras ako ng isang hakbang pero may nabangga ako.

Nabangga ako kay Janus. Alam kong si Janus 'yon kasi siya ang nasa likod ko at sina Kael at Fenella naman ay nasa likod niya.

"Catch Zayne!" Sabi ko kay Yosh at tinuro si Zayne na tumatakbo. Nag-iba ang direksyon na tinatakbo ni Yosh at hinahabol na niya ngayon si Zayne. Umabante ako ng isang hakbang.

Nakahinga ako ng maluwag. I escaped them.

"You're so cruel." Napalingon ako kay Zeke at nakita siyang nakasandal sa sasakyan na ginamit namin habang nakapamulsa.

Tiningnan niya kami isa-isa. From me, to Janus, to Kael and lastly, Fenella.

Napansin kong tumagal ang tingin niya kay Fenella. Ohh, looks like someone has a crush. But sadly, nililigawan na ni Kael si Fenella.

"Hey, Zeke. She's taken." Sabi ko kaya napatingin si Zeke sa'kin. Tumikhim siya at umayos ng tayo.

"I-I d-didn't ask. Tsk. Let's go!" Suplado talaga. At talagang nautal pa siya!

Lumapit siya sa'kin at ginulo ang buhok ko na siyang nakapagpa-init ng ulo ko. Guluhin niya na lahat, 'wag lang ang buhok ko!

"Zeke!" Sigaw ko sabay tulak sa kaniya.

"Hindi porket mas mataas ka gaganyanin mo na ang buhok ko!" Sigaw ko sa kaniya. His lips formed into a smirk before running away.

"Hoy! Bumalik ka dito!" Sigaw ko at hinabol siya. He looked back with a mischievous smile on his face. And fortunately, may naapakan siyang bato, making him stumble and fall.

"Aray!" He exclaimed. Mabuti na lang at grass ang nabagsakan niya. Tumigil ako sa pagtakbo. Napatingin siya sa'kin nang parang humihingi ng tulong but instead of helping him, I mouthed 'Good for you' at tumakbo pabalik kina Janus.

"Ate! Papatayin talaga kita!" Dinig kong sigaw niya pero hindi ko na pinansin. I know that he wouldn't kill his gorgeous sister.

Nakarating ako sa harap nina Janus habang hingal na hingal. Nakatingin sila sa akin with amused expressions on their faces.

"Kapatid mo ang mga 'yon?" Tanong ni Kael.

"Unfortunately." Naiiling na tinawanan ako ni Fenella.

"In fairness, ang gugwapo nila." Komento ni Fenella. She earned a glare from Kael.

"What?" Maang-maangan niya.

"Tsk. Seloso." Bulong ni Janus na dinig ko naman.

Nagsimulang magbangayan sina Fenella at Kael kaya napailing ako. Itong dalawang 'to talaga, walang pinipiling lugar!

Palihim akong napairap at hinila si Janus. Bahala sila. Magbangayan sila diyan, basta kami ni Janus papasok na sa loob. Ay, teka, wala pa palang kami. Ay, bakit may pa?

Something NewHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin