Chapter 8

10 4 0
                                    

Chapter 8: Cutting Classes

[A/N: 'Wag tularan.]

Zi's POV

ILANG linggo na ang nakalipas mula nang magkasakit ako. Pumupunta sa unit ko sina Fenella, Kael at Janus para alagaan ako.

Ilang araw rin nag-overnight dito si Fenella para alagaan ako at si Kael naman doon kay Janus nag-overnight. Ewan ko ba kung bakit kailangan pa nilang mag-overnight eh hindi naman ako bata. Kaya ko naman ang sarili ko at isa pa, alam kong nandiyan lang siya sa paligid.

Nandito kami ngayon ni Janus sa room habang nakikinig sa teacher sa gitna. Actually, pinipilit ko lang na makinig. Inaantok kasi ako.

Nangalumbaba ako sa desk ko at humikab. Mula sa peripheral vision ko nakita ko si Janus na nakatingin sa akin kaya tumingin ako sa kaniya. Agad na nagtama ang paningin namin kaya namumulang umiwas siya ng tingin.

Seriously? Why is he blushing? Am I that cute?

Binalik ko na lang ulit ang atensyon sa teacher.

"Therefore, the…"

Natigil ako sa pakikinig nang kalabitin ako ng classmate ko na nasa likod ko. Napalingon ako sa kaniya at tinuro naman niya ang pinto sa harap, sa gilid lang ng kinatatayuan ni prof.

Nakita ko sina Fenella at Kael na malapad ang ngiti. Hindi naman sila napansin ng mga kaklase ko dahil kagaya ko ay antok na antok sila.

Kael mouthed something na hindi ko naintindihan. Kumunot ang noo ko. What is he trying to say? He mouthed the same thing at nakuha ko na ang gusto niyang ipahiwatig. Agad akong umiling. Nginuso ni Fenella si Janus kaya kinalabit ko si Janus at tinuro sina Fenella.

Napatingin siya sa kanila and Kael mouthed the same thing na tinanguan ni Janus.

What the...

Tumingin sa akin si Janus at tinaasan ako ng kilay.

"Sama ka ah." Bulong niya pero agad akong umiling-iling. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Ayaw mo? Once lang naman eh. Atsaka, 'di ba boring din ang next subject dahil buhay lang naman ni Ma'am ang kinukwento niya?" Pangungumbinsi niya pero umiling ulit ako.

"Hindi ko kayang mag-cutting. Ayaw ko. Hindi pwede. Magagalit si Mom at Tito. Magagalit si Uncle. Paano na ang grades ko?" Bulong ko pero napangiwi na lang siya.

"Isang subject lang naman eh. Babalik tayo dito, promise!" Itinaas pa niya ang kanang kamay niya kaya napabuntong hininga ako. Sasagot na sana ako pero nagsalita si Ma'am.

"Mr. Kim, kung gusto mong i-recite ang Panatang Makabayan, sa harap ng klase mo i-recite. Hindi kay Ms. Blix." Agad na naibaba ni Janus ang kamay niya at napayuko habang nagtawanan naman ang iba.

Napasulyap ako kina Fenella at nakitang tumatawa sila dahil sa kahihiyan ni Janus kaya mahina na rin akong natawa.

Pagkatapos ng napakahabang tawanan, natigil na sila at nagpatuloy sa pagtuturo si Ma'am.

Si Janus naman ay tumingin kina Kael at Fenella sa may pintuan at sumenyas na hindi ko naman naintindihan. Pero sa tingin ko naintindihan iyon ng dalawa dahil tumango sila.

So ganun? OP ako? Palagi naman eh.

Binalik ko na lang ang atensyon kay Ma'am at hindi pinansin si Janus na kinakalabit ako.

Paulit-ulit niya akong kinalabit kaya inis akong bumaling sa kaniya.

"Ano?" Bulong ko.

"Sasama ka." Bulong niya pabalik at ngumisi. Sinamaan ko siya ng tingin.

Something NewWhere stories live. Discover now