Chapter 4

12 10 0
                                    

Chapter 4: Janus Kim pt. 2

NAPAHIKAB ako at napatingin sa orasan dito sa classroom. 5 minutes before my vacant time. Matutulog na lang siguro ako sa vacant time pagkatapos kumain. 2 hours naman ang vacant eh.

Kasalanan 'to ni Janus. Kung hindi ba naman siya pumunta sa unit ko, edi sana nakatulog ako ng mas maaga.

Nakaupo siya ngayon sa katabing upuan ko. Pinilit niya kasi ang seatmate ko na lumipat ng upuan.

Nangalumbaba ako sa desk at napatingin ulit sa orasan. Napahikab ako ulit. Ang tagal naman. Gusto ko ng matulog.

"Class dismissed." Nabuhayan ako ng loob nang sabihin iyon ni Ma'am. Agad akong tumayo at binitbit ang bag ko. Inunahan ko ng lumabas ang mga kaklase ko.

"Zi! Wait lang!" Dinig kong sigaw ni Janus. Bahala ka diyan, maghabol ka.

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa paglakad. Para akong zombie na naglalakad sa gitna ng hallway. Iwas naman ng iwas ang ibang students sa'kin.

Natatakot kasi sila kay Mom. Sadista si Mom eh.

"Hindi mo man lang ako hinintay." Oh, nakahabol na pala ang mokong?

I just waved my hand at patuloy na naglakad papunta sa cafeteria habang nakabuntot sa'kin si Janus na sa tingin ko'y nakasimangot.

Pagdating ko sa cafeteria, pumunta ako sa counter at bumili ng pagkain. Nang makabili na ako, naghanap ako ng bakanteng lamesa at umupo.

Hinintay ko muna si Janus na makarating at makaupo bago kumain.

"Saan ka pupunta pagkatapos nito?" Tanong niya.

"Sa field. Matutulog ako. Sama ka? Hindi naman maaraw." Sabi ko at tumingin sa kaniya.

Nakatingin rin siya sa'kin at biglang umiwas nang magtama ang paningin namin.

"S-Sige." Sagot niya at nakita kong namumula ang tenga niya. Tsk.

Agad kong inubos ang kinakain ko at hinintay na matapos si Janus.

"Tara na." Aya niya nang matapos na siya.

Tumango ako at tumayo. Binitbit ko ang bag ko at sinundan siya.

Nakayuko ako habang naglalakad at lutang ang isip ko dahil antok na antok na ako. Kumapit ako sa backpack niya at hindi naman siya umangal.

Napahikab ako. Ang layo naman yata ng field. Ay, malayo naman talaga ang field eh.

"Aray!" Sigaw ko nang bigla akong mauntog sa backpack niya. Inangat ko ang ulo ko at nakitang nakatingin siya sa'kin.

"Tsk. Halika nga dito!" Sabi niya at hinila ako papunta sa tabi niya. Inakbayan niya ako at nagpatuloy sa paglalakad kaya naglakad na rin ako.

Napayuko ako nang naramdaman kong uminit ang magkabilang pisngi ko at nagpanggap na kinukusot ang mata.

"Ang cute mo." Bulong niya.

"I know right." Sabi ko at tumingin sa kaniya. Nagulat siya at napatingin sa'kin.

"N-Narinig mo?" Tanong niya. Is he dumb? Syempre maririnig ko!

"Syempre, malapit ka sa'kin 'di ba? Natural maririnig ko." Sabi ko at inirapan siya. Umiwas na lang siya ng tingin kaya yumuko ulit ako. Shit. Inaantok na talaga ako.

Maya maya pa, nakita ko na lang na grass na ang nilalakaran namin.

Tumigil si Janus sa paglalakad kaya tumigil na rin ako.

"Dito na lang." Sabi niya at binitawan na ako. Agad akong umupo at nilapag ang bag ko. Ginawa ko itong unan at humiga.

Umupo sa tabi ko si Janus kaya tumagilid ako at humarap sa kaniya. May kinuha siya sa bag niya na jacket at pinatong sa legs ko. Right, naka-palda pala ako. Hindi ko na naisip dahil inaantok na talaga ako.

Something NewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon