Chapter 6

10 8 0
                                    

Chapter 6: Argument

"ARIANA, when will you plan the wedding with your fiancé?" I froze on my seat and I can feel their gazes towards me.

Naibaba ko ang hawak kong kubyertos at napatingin kay Mom na seryosong nakatingin sa'kin. Napatingin ako kina Kael at nakitang naguguluhan silang nakatingin sa'kin.

The twins looked surprised and confused. Oo nga pala, hindi nila alam. In fact, wala sa kanila ang nakakaalam.

"Mom, 'wag ngayon." Napakunot ang noo ni Mom sa sinabi ko.

"Why not?"

"Let's talk about him next time." Mahinang sabi ko.

"And when is that next time you're talking about?" Napapitlag ako sa biglaang pagtaas ng boses ni Mom. Hinawakan siya ni Tito sa kamay para pakalmahin but it looks like it didn't work on her.

"J-Just not now." Nauutal kong sagot at umiwas ng tingin. Nang muli kong ibinalik ang tingin sa kaniya, bakas ang galit at pag-aalala sa mukha niya.

"So kailan?" Hindi ako sumagot.

"Kung kailan huli na ang lahat? Kung kailan hindi mo na kaya? Kung kailan–"

"Mom! Please, 'wag muna ngayon." Pakiusap ko sa kaniya.

"You're turning eighteen in nine months, Ariana! You need to plan the wedding as early as possible para wala ng problema!" Giit niya. Pataas ng pataas ang boses niya.

"Mom!" Sigaw ko. I gave her the 'stop-it-please' look. Hindi makapaniwalang nakatingin siya sa'kin.

Tito is just eating habang sina Janus, Kael at Fenella ay gulat na gulat na nakatingin sa'kin.

"How come no one told us?" Dumapo ang tingin ko kay Zayne nang itanong niya iyon. Seryosong seryoso ang mukha niya. He looked at me and his eyes held no emotion.

"How come you didn't tell us?" Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa mga tanong niya. Napayuko ako at napaismid.

"It's because I don't want to accept it," tumingin ulit ako kay Zayne then kay Mom, "and it's never easy to admit that I will be married just because I don't have a choice."

"You can always refuse an arranged marriage! It's clear that you're only forced!" Sabi ni Zeke at napatayo. Napakuyom ako.

"It's not forced! The marriage is not forced! I just don't have a choice!" Napatayo rin ako at sinalubong ang mga titig niya.

"You're just seventeen, Ate! You're too young to get married!"

"And you're just fourteen, Zeke! You still can't understand my reason!"

"Of course! I couldn't understand dahil hindi ko naman alam kung ano! Why don't you just tell me!?"

"Because I, myself, can't accept it!"

"Ano ang hindi mo matanggap? Ang kasalan? Kung hindi mo matanggap then you should refuse it!" Napahinga ako ng malalim at pilit na kinakalma ang sarili.

"It's not the marriage."

"Then you accept the marriage!?"

"Oo!"

"Eh ano ang hindi mo matanggap!?"

"Ang hindi ko matanggap ay ang dahilan kung bakit ako ikakasal kaya pwede ba, 'wag ka ng magtanong!" Nangingilid ang luhang umalis ako doon.

I don't want to cry in front of them.

Kumalma ka, Ariana. Kumalma ka. Paglabas ko sa front door, tuluyan ng bumagsak ang mga luhang ayaw kong ipakita sa kanila.

Something NewNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ