34

33 1 2
                                    

INVISIBLE PEN Part 34

(Kaliza’s POV)

"Sana hindi na lang kita nakikilala. Dahil sumpa ka sa buhay ko." Anas ko pa.

Nakikita ko naman ang pamumula ng ilong at ang mga mata niya.

"Makinig ka muna sa akin, Kaliza." Lumapit siya pero lumayo ako.

"Makinig? Ikaw ba… pinakinggan mo ba ako nang sabihin kong don't leave me? Hindi diba? Kase umalis ka. Duwag ka!"

"Oo duwag na ako, Kaliza!"

Napaigtad ako nang sumigaw siya pabalik! Naihilamos niya ang palad sa sariling mukha saka nasabunot ang sariling buhok.

"Duwag ako. Fvck! Napaka-duwag ko talaga, alam mo ba kung bakit ako umalis?" Hindi ako nagsalita dahil hindi naman iyon ang kailangan. "Umalis ako dahil natatakot akong kapag nakita mo ako ay maalala mo kung sino ako! At ayokong magalit ka sa akin!"

"Galit na ako sayo!"

"Alam ko. Alam ko iyon."

Napasandal siya sa pinto.
Natahimik kaming dalawa. Hindi ko alam ang sasabihin. May gusto siyang bigkasin pero natatakot siya. Alam ko.

"Bumalik ako…" panimula niya kaya napatingin ako sa kaniya. "Bumalik ako dahil karapatan mong malaman ang totoo." Seryosong dagdag pa niya. "Hindi ako isang psychiatrist, Kaliza. Isa akong reporter, pero nag-resign na ako nang malaman kong na-rape ka. At ang tungkol sa rape…"

Tumulo ang luha niya.

Lumapit siya sa akin saka humawak sa mga kamay ko. Nakagat niya pa ang pang-ibabang labi. He sighed.

"Yung tungkol sa rape…" pag-uulit niya. "Kilala ko na kung sino siya… kung sino ang rapist mo."

Hindi ako nakapagsalita.

"Kaliza… ipakukulong mo ba ang taong iyon?" Tanong niya.

"Iyon ang nararapat."

Niyakap niya ako. Mahigpit na yakap saka humagulgol ng iyak.

"Ano bang problema?"

"Yung rapist mo eight years ago ay… ay, paano ko ba sasabihin?"

"Sabihin mo lang."

"Hindi ko sinasadya. I'm so sorry, Kaliza. Hindi ko sinasadya ang mga nangyari."

Kumalas ako sa yakap niya saka makahulugang tumitig sa mga mata niya.

Tumango siya saka mabilis na napailing. "Hindi ko talaga sinasadya. Sorry. Sorry, Kaliza. Mahal kita. Mahal na mahal kita."

Wilson…

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Invisible PenWhere stories live. Discover now