1

39 7 2
                                    

INVISIBLE PEN

Kasalukuyan siya'ng humihigop ng capuccino sa tasa niya nang may marinig siyang tunog na alam niya'ng nagmula sa isa'ng kamera.

Nakunot niya ang noo niya saka binaba ang hawak na tasa sa mahogany table na nasa balkonahe.

“Sino ka?” Tanong niya kahit pa na hindi niya alam kung saan ba dapat humarap.

“Uhm, ahh…”

“Nagbabalak ka ba'ng kumanta? Sino ka sinabi?” Pag-uulit niya saka na siya tumayo.

"Uhm… ako si–"

"Umalis ka–aargh!"

Nahinto siya sa pagsasalita nang matapilok siya sa akmang paghakbang.

"O-okay ka lang ba?" Naramdaman niya ang oalad ng lalaki na humawak sa braso niya.

"Umalis ka sinabi. You're trespassing!" Hinagis niya sa ere ang kamay ng lalaki saka tumayo mag-isa. Ngayon alam na niya'ng bulag siya.

"Nagkakamali ka. I'm not trespassing… my name is Wilson. I'm… I'm your psychiatrist."

Muli na namang kumunot ang noo niya sa tinuran ng kausap.

"A-ano? Psychiatrist?"

"Oo. Heto ang ID ko. I'm Wilson Denver, I was hired to be your psychia–"

"You're hired? And who hires you?"

Ilang segundo ang tinagal ng lalaki bago muling makapagsalita.

"Your… your ah… your manager hires me to be your psychiatrist. Heto ang ID ko na magpapatunay na isa ako'ng psychiatrist."

"Niloloko mo ba ako?"

"Uhm, hi-hindi."

"Bulag ako."

"Ha?"

"Bulag ako at hindi ko makikita yan. Umalis ka na rito. Hindi ko kailangan nang isang katulad mo."

Kinapa niya ang hangin at hinanap ang lalaki. Kalauna'y hinawakan ng lalaki ang mga kamay niya at nilapat sa dibdib nito!

"Nandito ako. Pwede mo na ako'ng itulak."

Napalunok siya hindi dahil sa hawak nito ang kamay niya. Kung hindi dahil sa ramdam niya ang dibdib ng lalaki.

Mabilis na binawi niya ang palad mula sa kaharap!

"Kahit na. Bastos ka pa rin. Umalis ka na rito."

"Oo na. Pero, babalik ako rito bukas dahil pasyente kita."

"Kahit huwag na Mister." Seryosong sagot niya sa lalaki.

Yabag ng bawat paghakabang ng paa ng lalaki ang huli niyang narinig. Mga yabag na papalayo.


--
KUYA JAZ: Haye! So, Einsteins. Haha! Kinikilig ako sa endearment ko sa inyo. By the way! Gusto ko lang sabihin na I am approachable, puwede niyo akong kausapin about sa kahit na ano. (Anuraw?!) Pero, mas maganda kung mag-iiwan kayo ng comment, ano bang masasabi niyo sa Invisible Pen? May pangit ba sa akin? (Harot.)
Kuya Jaz ang itawag sa akin sa bawat sasabihin. Ayoko ng Ms. A or Mr. A.
Haha, bye-bye!

Invisible PenWhere stories live. Discover now