12

24 4 1
                                    

INVISIBLE PEN

Sinara ni Kaliza ang pinto at hinayaang dumausdos ang luha sa kaniyang pisngi.

"Kaliza! Patawarin mo ako! Hindi ko sinasadya." Sigaw naman ni Wilson mula sa labas ng bahay niya. "Hindi ko lang alam kung paano sasabihin sayo."

"Bastos ka! Manigas ka diyan! Sinamantala mo ang kabaitan ko! S-sino ka para gawin sa akin iyon, ha?!" Pinilit niyang maging buo ang bawat katagang lumalabas sa kaniya'ng bibig ngunit hindi niya mapigilang pumiyok dahil sa pag-iyak!

"Kaliza! Patawarin mo ako!"

"Paanong patawad ang gusto mo? Ang pagsamantalahan ang isang bulag ay mapapatawad pa ba? Pintutuloy kita sa bahay ko dahil may tiwala ako sayo pero ano ang ginawa mo?!"

"Dahil mahal kita!"

"Buwan pa lang ang mabibilang simula nang magkakilala tayo, mahal agad?!"

"Kaliza, hayaan mo ako'ng makapagpaliwanag oh. Basa na ako."

"Umuwi ka muna sa inyo. Hayaan mo muna ako, Wilson." Kalmadong sabi niya.

Pagkasabi naman noon ni Kaliza ay agad siyang humakbang papalayo sa pinto. Pumasok siya sa kwarto niya saka siya roon humiga.

Rinig pa rin niya ang bawat pagsigaw ni Wilson sa labas ng bahay niya pero hindi na niya iyon pinansin pa.

He kissed her like they're in a relationship. And that kiss reminds her something tragical.

Ayaw niya munang magpakasiguro sa nararamdaman niya. But something is inside her telling she should.

Agad niya'ng pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi niya. 

And now this is going to be as hard as rock to know that, that kiss is not the first time she have tasted in the same person.




--
KUYA JAZ: Natuwa ako sa kaibigan ko nang sabihin niya sa akin na gusto niyang iregalo ko sa kaniya ang Invisible Pen dahil malapit na raw ang birthday niya. Haha! Sinabi niya na kahit kaunti lang sa chapter basta may ending ang i-print ko at sana raw ay may book cover. >_<¦¦¦ Hay, nababasa niya 'to sigurado ako. Hi, Lalay! Haha! Langya… Hindi ko alam kung magagawa ko iyon. Maganda naman ang penmanship ko kaya sulat-kamay na lang haha! Joke, katamad.

My Einsteins, how was the story?
Please leave me a comment nor feedback.

Invisible PenWhere stories live. Discover now