23

13 2 0
                                    

INVISIBLE PEN

(Wilson’s POV)

I opened the door of my car and held her hand as she stepped her feet out of the car.

Napahawak pa siya sa balikat ko nang matapilok siya. Napangiti lang ako at hiawakan siya sa baywang.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong niya.

"It's a surprise. Just stay with me." Sagot ko.

Nagsimula na kaming maglakad papasok sa isang magarang restaurant. Kagabi pa ako nagpa-reserve rito kaya excited na ako.

Malamig na temperatura agad na nagmumula sa aircon ang sumalubong sa balat namin.

"Good evening, Ma’am and Sir. Do you have any reservation?" Tanong ng staff ng restaurant.

Tumango ako. "Yes. A reservation for two, Wilson Denver and Kaliza Freshner." Sagot ko.

Ngumiti ang lalaki saka tumango. "Follow me, Sir." Hinatid niya naman kami sa table na malapit sa bintana. Nakikita roon ang mga bituin sa kalangitan. Gabi na at sinadya ko talaga para mas maganda. Sayang lang talaga at hindi niya nakikitan

"Ah, Wilson." Napatayo si Kaliza nang umupo siya.

Nagtaka naman ako kaya nilapitan ko siya. "Bakit? May problema ba?" Hinawakan ko siya sa braso.

"Basa yata yung upuan." Napahawak naman siya sa puwitan niya.

Fuck.

Napalunok naman ako. "Oh sige… teka lang." Aniko saka kumuha ng tissue sa mesa.

"Miss!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki. Pagharap ko ay nabangga niya sa braso si Kaliza!

Nanlaki pa ang mga mata ko nang yakapin niya si Kaliza!

"Hey, you!" Nilayo ko sa kaniya si Kaliza saka ko siya tinulak sa dibdib! "Huwag mo siyang hawakan!"

"I'm sorry. Sorry talaga.. Nagmamadali kase ako." Paghingi naman niya ng paumanhin.

"Next time kase gamitin mo ang mga mata mo. Nakakakita ka naman diba?"

"Oo."

"Puwes, gamitin mo."

"Teka…" rinig kong sabi ni Kaliza.

"I'm sorry talaga, Miss." Tumingin pa siya kay Kaliza. "Teka? Kaliza Freshner, right?"

Kumunot ang noo ko nang bigkasin niya ang pangalan ni Kaliza.

"Kilala mo ako?"

"Sino ba namang hindi? I'm your big fan, Miss Freshner. I can't believe this. Pwede bang magpa-picture?" Nilabas niya ang cellphone niya saka lumapit kay Kaliza. "Thank you. Hindi lang talaga ako makapaniwala na nakita ko rito ang idol ko." Anas niya nang matapos ang pagpapa-picture niya.

"Nakakatuwa naman. Salamat kung ganoon."

Nilahad ng lalaki ang palad sa harap ni Kaliza. "Nice to meet you." Hinawakan niya ang palad ni Kaliza saka nakipagkamay rito.

Napairap ako.

"Nice to meet you too. What's your name?"

"Oh. I'm Wilson."

Parehas kaming nagtaka ni Kaliza.

"Wilson ang pangalan mo?" Tanong ni Kaliza.

"Ah, oo. Bakit, may problema ba?"

"Sa pangalan mo wala pero sa pakiki-epal mo malaki!" Singit ko sa kanilang dalawa.

Humawak si Kaliza sa braso ko saka lumapit sakin. "Wilson, calm down okay?"

"You sound like a jealous boyfriend."

"Ahm, nagkakamal–"

"Epal ka kasi! Umalis ka na rito."

"Selos na selos ang boyfriend…" natatawang sabi niya.

Nakuyom ko sa inis ang kamao ko.

"Hindi ko siya boyfriend."

"Oops. Tinanggi ng girlfriend."

"Ano bang problema mo?"

"Kay Miss Freshner wala, sayo yata."

Umakyat sa mukha ko ang palad ni Kaliza hanggang sa dumapo ang palad niya sa pisngi ko. "Wilson… hinahon lang, ah? Ayoko ng away.."

I held her hand. "Ayoko rin ng away, Kaliza. Nasira pa ang gabi ko dahil sa lalaking to."

"Talaga?"

"Ahm.. Wilson? At Wilson. Huwag na kayong mag-away.. Pakiusap…" anas ni Kaliza.

Humarap sa akin si Kaliza saka ginalaw ang palad sa pisngi ko. "Umalis na lang tayo rito, Wilson. Pwede ba yon, ha?"

"Hindi pwede. Nakapagpa-reserve ako ng table natin."

"Huwag mo nang isipin iyon. Hindi ko rin naman makikita ang lugar eh. Sa iba na lang tayo."

Tumitig pa muna ako sa mga mata niya. Hays. "Sige na nga. Kaysa naman sa mukha pa ang masira ko rito." Binitbit ko ang bag ni Kaliza saka ko siya inalalayan sa paglalakad.

"Paalam…" rinig kong pahabol na sabi ng lalaki. "Aking kapatid…"



--

Invisible PenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora