Nagtataka siya dahil paghinto ng kotse, sumalubong sa kaniya ang flash ng mga camera at mga sari-saring tanong mula sa media.

“Mr. Choi Yeonjun, ano pong masasabi niyo sa pagkamatay ng Mama ninyo?”

“Mr. Choi! Ano pong masasabi niyo sa pagkasunog ng mansyon ninyo?”

“Mr. Yeonjun! Yung tungkol po sa biglang pagkaubos ng pera niyo sa bangko na worth 2 billion dollars, ano pong masasabi niyo tungkol doon?”

“Yeonjun!”

“Mr. Choi!”

“Sir! Pwede po bang pakisagot!”

Sari-saring tanong ang bumungad sa kaniya pero lahat ng yon ay hindi niya naman maintindihan.

Nang makaalis na sila sa dagat ng media ay nagtaka siya ng pumasok sila sa isang kwarto kung saan may kabaong sa gitna.

“Jin, bakit ba tayo nandito? Huwag mong sabihin makikilamay tayo?” Tanong nito kay Jin.

“Condolence, Yeonjun.” Nagulat siya nang tapikin siya nito sa balikat.

Biglang kumabog bigla ang dibdib niya sa kaba.

“Anong pinagsasabi mo?”

“Before she died, she was hoping that you will fulfill your promise to her.”

Biglang tumulo ang luha niya. Isa lang naman ang taong pinangakuan niya bago siya mawalan ng malay noong aksidenteng yon.

Ang Mommy niya.

“You lost everything while you are sleeping. I'm so sorry for all your lost, bro.”

Tatlong taon siyang nanirahan lang sa tiyo niya pero namatay din yon at napilitan siyang umalis sa bahay non. Pagkatapos ay nagpagala-gala siya sa kalye, walang makain, walang maisuot. Walang magulang na nag-aalaga sa kaniya.

Ang dating Choi Yeonjun na walang ginawa sa buhay kundi magsaya at mayroong masayang pamilya ay parang bigla nalang naglaho na parang bula. Siya nalang ang nag-iisa, nag-iisa ngayon sa gitna mg malamig na ulan.

Napaluhod nalang siya sa gitna ng ulan. Paano niya matutupad ang pangako niya sa Mommy niya e, ni-trabaho nga ay wala siya. Nakapag-tapos siya ng pag-aaral pero dahil ay wala siyang experience, hindi siya matanggap-tanggap sa kahit anong trabaho na gusto niyang pasukan.

Gutom na gutom na siya, uhaw na uhaw na din. Wala na siyang pera, naubos na yung 100 thousand na binigay sa kaniya ni Jin. Naubos yon dahil pinang-ambag niya yon sa pampagamot ng tiyo niya na wala namang nangyari.

Napatingin siya sa langit, sa lugar kung nasaan ang Mommy niya.

“Mom, how can I fulfill my promise to you if I can't even stand in my own feet. I don't have a money and power so how on earth can I find Innah? I'm sorry, I can't. I'm tired...” Sabi niya habang may sariling isip ang mga paa at naglalakad sa gitna ng kalsada.

Napapikit nalang siya nang makitang may truck na sasalubong sa kaniya. Naghintay siya ng ilang sandali pero walang nangyari.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now