Sobrang daming tanong ang umiikot sa utak niya pero kahit isa doon ay walang nagiging katumbas na sagot. Lahat ng tao sa paligid niya ay nagmistulang mga bingi.

“I will bring Innah. Iaalis ko siya dito sa gulong ginawa mo. Hindi siya ligtas dito, hindi siya ligtas sayo. Hindi kita mapapatawad, Lorenza. Tandaan mo yan.” Bumitaw ang Daddy niya sa pagkakayakap sa Mommy niya.

Nilapitan nito ang ang kapatid niya saka hinila patayo. Akmang hahatakin nito palabas ang kapatid niya ng pigilan sila ng Mommy niya.

“Hindi kita hahayaang dalhin ang anak natin, Giyo. Anak ko din siya, ako ang nanay niya at nasa akin din ang desisyon kung dadalhin mo siya o hindi.” Matigas na sabi ng Mommy niya na parang hindi alintana ang sakit ng katawan.

“At sa tingin mo may pakialam ko doon? Mas mahalaga sa akin ang kaligtasan ni Innah at alam kong hindi siya magiging ligtas sa buhay na pwedeng maibigay mo sa kaniya. Ina ka niya, Lorenza, dapat mas alam mo ang makakabuti sa kaniya, pero paano mo nagawang idamay ang sarili mong anak sa gera na mayroon kayo? Wala kang kwentang ina.” Sabi ng Daddy niya.

Kumulo ang dugo niya dahil doon at akmang susugurin na ang Daddy niya nang pigilan siya ng Mommy niya. Sinubukan niyang tanggalin ang kamay nito na nakaharang sa harap niya kaso hindi niya magawa. Kumunot ang noo niya dahil sa lakas ng ina, di ba dapat mahina na ito dahil bugbog sarado na ito?

Sa pagtataka niya, napatingin siya sa ina niya na nakayuko ngayon. Hindi nila namalayan na nakaalis na pala ang Daddy niya hila-hila ang kapatid niya.

“Giyo! Innah!” Sigaw ng Mommy niya saka tumakbo pababa sa mansyon nila.

Agad niya itong sinundan, pagkababa nila ng second floor ay nakita nila ang Daddy niya na tumatakbo ang umiiyak na kapatid niya.

“Kuya...” Sabi nito.

“Innah!” Sigaw niya saka hinabol niya ang mga ito pero hindi na niya ito naabutan dahil nakasakay na ang mga ito sa loob ng sasakyan at agad na pinaharurot.

Sinubukan niyang habulin yon pero ano nga bang laban niya sa sports car? Napasabunot siya ng buhok saka napasigaw.

“Fuuuck!” Sigaw niya habang hinihingal.

Nakarinig siya ng pagbukas ng kotse at napalingon siya kung saan nanggaling yon. Nakita niya ang Mommy niya na nakasakay sa loob ng kotse niya. Tumakbo siya papunta sa direksyon non.

“Mom, what are you doing? You don't know how to drive.” Sabi niya habang nakakunot ang noo.

“Sakay.” Malamig na utos sa kaniya ng Mommy niya na agad niya namang sinunod. “Key.”

“Huh?”

“Yung susi!” Frustrated na sigaw ng Mommy niya. Agad naman siyang nataranta saka binigay ang susi dito. Binuksan naman nito ang makina.

“Wear your seatbelt.” Yun lang ang sinabi ng Mommy niya at napasigaw nalang siya sa biglang pagpapaharurot nito.

“Fucking shit!” Sigaw niya at agad na sinuot ang seatbelt.

Sobrang bilis ng pagpapatakbo ng Mommy niya na halos lang nang madaanan niya ay nagiging blur nalang sa paningin niya. Mabuti nalang at maluwag ang daanan.

“Mom, ano ba talagang nangyayari?” Tanong niya sa Mommy niya na diretso lang ang tingin sa daan.

“I'm sorry, anak. Pero hindi ko pwedeng sabihin sayo.”

“What?! But why?!” Sigaw niya.

“I can't, anak.” Umiling ang Mommy niya.

“Mom, litong-lito na po ako. Hindi ko na alam ang nangyayari. Bakit ka binubugbog ni Dad kanina? Bakit parang galit na galit siya? Si Innah, bakit siya duguan? Mom, bakit?!” Sigaw niya saka napasuntok nalang sa bintana ng kotse niya.

Bigla namang tumulo ang luha ng Mommy niya.

“It's all my fault. I'm sorry.”

“Mom, why are you sorry? Can you please tell me?” Pagmamakaawa niya.

Hindi nagsalita ang Mommy niya saka umiling nalang.

“Where are we going?” Tanong niya nalang.

“Babawiin ko ang kapatid mo.” Maikling sagot ng Mommy niya.

Napabuga siya ng hangin saka napasandal nalang sa upuan niya. Parang kanina lang ay masaya pa siyang nakikipag-tawanan samga kaibigan niya tapos pag-uwi niya, nagkaganito na. Ni walang siyang ideya kung bakit nagkaganito ang buhay niya sa isang iglap. Parang kagabi, masaya pa silang nagtatawanan sa hapag at ngayon...

“Fuck...” Bulong niya ulit saka dumilat.

Pagdilat ng mga mata niya, sumalubong sa kaniya ang gitna ng daan na may dumadaang matanda. Nanlaki ang mga mata niya saka napahigpit ang hawak sa seatbelt.

“Mom! Pumreno ka!”

“I'm trying, pero ayaw gumana!” Sabi ng Mommy niya habang paulit-ulit na tinatapakan ang preno.

“Damn!”

Napapikit nalang siya habang palapit ng palapit ang kotse sa matanda. Sobrang lakas ng kabog ng puso niya at maya-maya nalang ay may naramdaman siyang yumakap sa kaniya kasabay non ang malakas na kalabog na narinig niya.

Naramdaman niyang nawalan siya ng malay at nagising siya nang may naririnig na bulung-bulungan sa labas. Nanlalabo ang paningin niya, hindi niya din maintindihan ang mga naririnig niya. Namamanhid ang buong katawan niya pero nagawa niya pang pakinggan ang habilin ng Mommy niya.

“Y-Y-Yeonjun, p-please... k-kunin mo s-si In-Innah sa Daddy mo. P-Please... I'm b-b-beging you. P-P-Promise me, anak...” Sabi ng Mommy niya habang nakasandal ang ulo sa balikat niya.

Ni hindi niya magawang ibaling ang leeg niya paharap dito dahil wala siyang lakas. Nanghihina siya.  Naramdaman niyang tumulo ang luha niya sa mata at humikbi, hinang-hina siya. Yun lang ang tanging nagawa niya saka sambitin ang huling salita na pwede niyang sabihin sa Mommy niya.

“I-I-I p-pr-promise.”

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Kde žijí příběhy. Začni objevovat