Chapter 19 - Memorable day

318 107 26
                                    

Ewan ko ba pero hindi matigil ang pagluha ko.

Dapat ngumiti na'ko dahil alam ko na ngayon na hindi pala nila nakalimutan ang kaarawan ko. Pero ba't iyak pa'ko ng iyak?

Natawa na lang ako sa sarili ko
May binaba na hagdang lubid ang chopper. Nang tuluyan ng maibaba ang hagdan may taong bumaba. Hindi ko makilala kung sino pero alam kung lalaki ito.

Hindi naman siguro ito magnanakaw o kidnapper. Kasi kung oo, bakit pa siya magsasayang ng oras gumawa ng tarpaulin at malapelikulang entrance ‘di ba?
Kung hindi ko 'to kilala. Siguradong lagot.

Baka pala ambush ito o ano.
Malapit ng makababa ang lalaki. Ganoon din ang kaba na nararamdaman ko.

Nang makababa siya. Alam ko. Alam kong nakatingin siya sa'kin. Wala naman ng ibang tao kaya hindi imposibleng ako.

Ewan ko ba pero parang safe naman ako. 'Yun talaga ang nararamdaman ko ngayon.
Pakiramdam ko hindi delikado kahit hindi naman ako sigurado.
Medyo lumalapit na siya. Pilit ko naman inaaninag ang alindog.

Hindi ako sigurado pero kinabahan na lang ako ng bigla.

Malay ko ba na magkakatotoo 'yung mga nasa movie lang. Na sosorpresahin ka lang pala ng pamilya mo diba? 'Yung may special entrance.

Pero baka nasobrahan na'ko sa ka-i-imagine.

Hinihintay ko lang na tuluyan siyang lumapit.

Nakakailang hakbang pa lang siya pero bigla siyang tumigil.

Ihahakbang ko na sana ang paa ko nang bigla na lang namatay ang ilaw ng hellicopter na nagsisilbing ilaw namin.

Ilang minuto pa ang tinagal ng dilim.

Unti-unting bumukas ang mga ilaw.
Hanggang sa sabay na umilaw ang ilaw ng hellicopter at ng restaurant sa likod ko.

Pagkatingin ko sa pwesto ng lalake kanina ay papalapit na siya.

Kahit 'di ko na tingnan ng maiigi, alam kong siya 'yon.

Alam kong si Tristan 'yon.
Napangiti na lang ako habang patuloy na lumuluha.

Akala ko talaga nakalimutan na nila, lalo na niya.

Papalapit na siya. Grabe na ang kabang nararamdaman ko. Halo-halo na rin ang emosyon ko.

"Happy Birthday." Nakangiti niyang sabi.

Pinagmasdan ko siya.

Kitang-kita 'yung mga muscles niya sa summer attire niya.
Bagay sa kaniya.

"You look more gorgeous tonight." Husky ang boses niya sa pagsasabi niyan.

Siya na. Siya na talaga ang may epekto sakin.

Natawa na lang ako.

"Thank you.." Tinignan ko siya sa mga mata.

Ilang minuto lang na tahimik. Walang may umimik.

Hindi alam kung sino ang unang magsasalita o kung ano ang sasabihin.

"A-ahm.. akala ko... akala ko 'di niyo na naalala.." Malungkot kong sabi.
Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.

"Pwede ba 'yon?" Humakbang siya para mas mapalapit sa'kin.

"Hindi 'yun mangyayari..." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla na naman namatay ang lahat ng ilaw.

Nanatili lang akong nakatayo. Ba't ba kailangan pang mamatay 'yung mga ilaw?

Sobrang tahimik lang ng paligid.
Wala akong maramdaman na kakaiba. Tahimik lang naman sa tapat ko si Tristan. Nanatiling nakatayo rin sa pwesto niya.
Naghihintay sa pag-ilaw muli at sa kung ano ang susunod na mangyayari.

Ilang minuto pa uli ang lumipas bago sabay-sabay nagsindi ang lahat ng ilaw.

Napapikit uli ako dahil sa silaw.
Dahan-dahan ko munang binuksan ang aking mga mata.

Nakita ko si Tristan sa harapan na nakaluhod ang isang tuhod.
Nagkatinginan lang kami.

Ano bang ginagawa niya? Magpopropose na ba siya? Hindi pa nga nagiging kami. Ang advance niya naman.

"T-tristan... Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya. Nasisiraan na ba siya?

"Lumuluhod para sa aking prinsesa..." Nakangiting tugon niya.

"Tumayo ka na... Ano ka nagpopropose? Ang advance mo naman..." Pinipilit ko siyang tumayo.

"No.. Tanda lang 'to na handang-handa na akong lumuhod pagdating ng tamang panahon... para sa mahal ko." Nakangiti niyang sabi.

Masyado na akong kinakabahan. Hindi naman na mainit... Pero bakit parang pakiramdam ko sinusunog na ako. Napapapaypay na lang ako gamit ang palad ko.

"I will Court you... My precious," seryoso niyang sabi.

Hindi ko alam.. Kung matutuloy pa ba akong kiligin o matawa dahil sa "my precious" niya. Lord of the rings lang?

Hindi ko maikaila na kinikilig na nga ako.

"Hahahaha wala naman na akong magagawa..." Natatawa kong sabi.
Napasimangot siya.

"Ayaw mo ba?" Tanong niya.
Natawa na lang ako. Ang cute niya pag naka-pout.

Kinurot ko na lang siya sa pisngi.

"Masaya ako na manliligaw na kita..." Tanging nasabi ko.

"Yess!" Napasuntok pa siya sa hangin. Pagkatapos ay bigla na naman namatay lahat ng ilaw.
Ano ba talagang problema? Sayang yung kuryente!

Napapikit na naman ulit ako dahil sa silaw ng biglaang pagsindi ng lahat ng ilaw.

Hay na'ko!

Nakatayo na siya sa harapan ko. Marami na ring tao sa paligid namin.

Sa isang banda, nakita ko ang ibang kakilala namin. Sa isa, mga classmates, sa isa naman 'yung mga pamilya naming lahat at sa isa 'yung mga barkada namin.

So saksi sila? Gad. Nakakahiya.
Hindi ko na napigilan ang mapaluha. Masaya ako. Masaya ako dahil may sorpresa pala sila sa'kin. Akala ko nakalimutan na nila.

"HAPPY BIRTHDAY TRIXXIE!!!" Sabay-sabay nilang sabi. Kasabay niyon ang pagputok ng mga fireworks sa madilim na kalangitan.
Napangiti ako ng may luha.

Nakakaoverwhelmed.

Sobrang saya pala sa pakiramdam na sorpresahin ka.

Lumapit sa'kin si Tristan.

"Happy Birthday my future girlfriend..." Bulong niya sa tenga ko. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin sa sinabi niya. I can't wait na maging girlfriend niya pero sa ngayon ay magpapa-hard-to-get muna ako.

Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon