Chapter 13 - Be friend again

448 149 53
                                    

"Good morning guys!" Masiglang bati ni Stella. Magkahawak kamay sila ni Tristan.

Ngumiti lang ako sa kan'ya. I know it looks like I'm plastic but I need to act normal. Lalo na sa harap nila.

"There is no good in my morning." Sabat ni Sam.

"Don't be rude Sam." Sita ni Alex.
Umirap lang si Sam at pumasok na sa van.

"Uhm, let's go?" Tumango na sina Tristan kaya sumakay na kami.
Umupo ako sa may passenger seat.
Malaking van ang ginamit kaya kasyang-kasya kaming sampo.
3 seats kasi kada row.

Si Alex sa driver seat, siya kasi ang nagvolunteer na mag-drive. Wala daw siyang tiwala kay Benj. Silang dalawa lang naman ang nag-volunteer. Ako naman, sa passenger seat.

Sa first row, si Yhast, Carl at syempre si Sam. Nasa likod ng passenger seat siya pumwesto, siguro para makasulyap-sulyap siya kay Alex. Gusto ko nga sanang siya ang umupo dito nga lang umupo siya agad sa likod.

Sa second row, si Vernon, Kevin at Benj. At sa last row naman, ang love birds. Sina Tristan at Stella.

Awkward talaga para sa'kin ang makasama silang dalawa. Parang gusto ko na nga sanang magback-out kanina pero nakakahiya naman sakanila.

Hindi okay pero kailangan, kailangan kong umakto na okay lang sa'kin. Isa pa, ikakasal na sila. I just need to accept the truth and move on.

At maging masaya para sakanila.

"Uy guys!" Napatingin kaming lahat kay Benj except Alex. Kailangan niyang tumingin sa daan.

Nanggugulat naman 'to si Benj. Siguraduhin niya lang talaga na may katuturan 'yang sasabihin niya kun'di lagot siya sa mga katabi niya.

“May joke ako,” nakangisi niya pang sabi.

Akala ko kung ano na. Akala ko importante. Ay! Si Benj nga pala siya. Si BenjOke!

"Hay, ewan ko sayo." Napa-irap pa si Sam.

"Just shut up Benj!" Naglagay naman ng headset sa tenga si Yhast.

"Bwesit ka talaga!" Kinutusan naman siya ni Kevs. Nakatanggap din uli siya ng isa pang kutos kay Vernon.

Kawawang BenjOke, nasa gitna ba naman ni Kevs at Vernon.

"Aray naman! Alam niyo naman na hindi ako makakatulog kung hindi ko masasabi 'tong joke!”

Napatingin ako sa rare mirror. Hindi ko naman expect na makita ang lambingan nina Tristan.

May pa akbay-akbay pang nalalaman. Ang lapad naman ng space sa likod. Remember? 3 seats kada row. At sila ang sa last. Dalawa lang sila ang nakaupo kaya---Ah! Nevermind. Bakit ko ba pinoproblema ang bagay na 'yon? Gosh Trixx!

"Ano ba 'yang joke mo benj?" Masayang tanong ni Stella.
Nakuha niya pa talagang maging masaya! Kung— stop it Trixx!

"Guys, alam niyo ba ang tawag sa'kin?"

"Gunggong."

"Unggoy!"

"Hindi namin alam,"

"Wala kaming balak alamin,"

"Guys naman! Dapat 'ano' ang sasabihin niyo! Hindi yung nanlalait kayo!" Nagmamaktol pa siya.

"O sige, sige. Ano? Matahimik ka lang," Si Alex na ang nagsalita.

"So, alam niyo ba?”

"Hindi,"

Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon