Chapter 10 : The Reunion Part 3

512 181 37
                                    

Pagbalik ko sa table namin ang dami na yata. Halos ma-occupy na 'yong sampung upuan.

"Andiyan na si Trixx!" Agad naman silang nagsipaglingon.

Nagulat ako dahil kompleto sila. HALOS KOMPLETO NA KAMI. Pero may kulang talaga.

"Hi Trikay!" Sabay kaway pa sa akin ni Benjamin.

"Uy beshy. I've miss you na talaga. Umuwi talaga ako ng Pinas just for this event. Para makita ko lang talaga kayo." Nag-hug pa sakin ang loka. Nag-emo nanaman itong si Yhastmine.

Napatawa na lang ako. Napatingin ako sa isang lalaki na nakaupo katabi ni kevs. Well, ano pa bang aasahan ko kay Yelo. Isa sa mga dakilang Cold ng barkada.

"Andiyan ka na pala Alex." Isang ngiti ang ibinalik niya sa’kin. Tapos bumalik na ulit sa ginagawa niya sa cellphone niya.

Nag-usap-usap lang kami. Pinag-usapan namin ang mga buhay namin matapos naming maka-graduate. Ang saya lang kasi natupad na 'yong hiling namin na kapag nagkitakita kami sa Highschool Reunion may maipagmamalaki na kami. Sobrang saya ko ngayon. Ito lang naman ang wish ko para sa barkada namin eh. Maging matatag tulad ng Great Wall of China. Solid at tatagal.

Si Benjamin Fajardo, siya 'yong guloy, abnoy, monggoloid sa barkada. Siya :yong clown kumbaga. Kapag may mga problema kami siya ang gagawa ng paraan para pasayahin at pagaanin ang atmosphere. Isa na siyang SUCCESSFUL BUSINESSMAN. Galing ‘di ba? Hindi ko akalain na ang isang tulad niya na mukhang engot eh magiging successful.

Si Kevin John Ruiz, siya 'yong malalapitan mo kapag may problema ka na kailangan mo ng advice. Dami kasing alam sa buhay. Sa mga lalaki siya talaga ang Pinakamatalino. Well, hindi na nakakapagtaka kung siya ang susunod na magmamay-ari ng kompanya nila. Isa na siyang CIVIL ENGINEER.

Idol ko talaga siya eh. Kasi ang lalaking tao tapos palaging nagsusunog ng kilay. Palaging nagbabasa. Siya nga minsan ang source ng sagot sa exam eh.

Si Yhastmine Hope Andela, siya ang queenbee, maldita, mataray sa barkada. Kapag may nang-away sayo don't worry andiyan siya para ipagtanggol. Kung hindi niya sasampalin, pagtitripan o sasabunatan. Sama noh? Pero sobrang clingy niya sa mga kaibigan niya.

Gano'n lang talaga siya. Inborn na kasi yung ugali.

Si Alexander Charles Evans, siya 'yung suplado, numero unong cold ng barkada. Suplado ‘yan. Kung hindi mo siya kaibigan talagang maiinis ka sa pagiging cold niya. Why? Kasi minsan kahit sa'min eh ang konti lang ng sinasabi niya. Pero siya 'yong kuya material. Kasi siya ang malalapitan kapag sobrang bigat ng problema mo. Handa siyang tulungan ka kahit sobrang hirap ng problema mo.
Dati crush ko siya. Alam niyo naman na dahil sa sobra niyang cold, para siyang isang misteryoso sakin.

Si Carl Johnson Valeja, siya 'yong boybestfriend ko. Siya 'yong tipo ng lalake na may pagka-jolly pero kapag nagseryoso grabe! Mabait, matalino, mapagmahal, maalaga at higit sa lahat mapang-asar sa tropa. Isa na siyang SIKAT na Model (ayon sa kanya) at malapit na sa kaniya i-turn over ang kumpanya nila.

Si Vernon Marke Villian. Weirdoo ng barkada. Siya 'yong parang out of place, 'yong parang hangin sa barkada. Pero 'wag ka, gwapo yan weird nga lang. Malapit na rin sa kaniya i-turn over yung kumpanya nila.

Si Samantha Saavedra, she is my best-bestfriend. Why? 'Cause she's always there for me. Magkababata kami ni Sam. Kwela, lakwatsera, matapang at higit sa lahat pinakamaingay sa barkada. Well, sa ngayon kabusiness partner ko siya pero may balak na ata siyang magpatayo ng restaurant, pangarap niya na talaga kasi 'yun noon pa man.

Si T—

"Good evening gorgeous ladies and gentlemen. I'm your host, Sally Buenaventura for this party. I know that everybody is excited, right?" Nagpalakpakan naman kaming lahat. Mag-uumpisa na kasi ang party.

Lumingon-lingon ako baka sakaling andito siya. Baka sakali lang.

"Okay ka lang Trixx?" Tanong ni Carl. Katabi ko kasi siya ng upuan.

"Yeah." Tipid kong sagot. Ayoko namang mag-alala pa siya---sila.

"Ito yung party na magkikita-kita ulit kayo ng mga old friends mo, ng mga batchmates mo at higit sa lahat ng mga dati mong crushes. HAHAHA!" Naghiyawan naman sila. Yeah, tama nga naman siya kaya nga maraming excited eh.

"This is the time rin na magbobonggahan kayo ng happenings sa life niyo. 'Yong magchichikahan kayo like si ano engineer na, ay si ano ganiyan na successful na. Like that. Tapos mag-rereminisce kayo sa mga nangyari sa past. Masaya talagang balikan ang nakaraan. Masayang i-reminisce 'yong mga happy memories na magandang balikan. If we could go back, why not? Hay, Bago pa tayo magkaiyakan dito. Let's start this party and be happy. Again good evening to all of you as we start the most awaited party. The Reunion."

Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang