Chapter 34 - Sweet moment

239 55 2
                                    

Trixxie's POV

Iminulat ko ang mata ko. Anong oras na kaya? Kinapa ko ang cellphone ko sa kama.

Ba't di ko makita?! Saan ko nanaman kaya nalagay?

Bumangon na ako.

Nagulat ako nang mapansing hindi naman ako nasa kwarto ko. Pero agad ko rin namang naalala na pumunta nga pala kami ni Tristan sa isla.

Pero ang tanong paano ako nakarating dito sa kwarto ng resthouse?

Wala akong maalala na naglakad ako papunta rito. Huling naaalala ko lang ay natulog ako sa balikat ni Tristan habang nasa biyahe.
Hindi kaya?

Bumukas ang pinto at pumasok si Tristan.

Agad ko naman pinahidan ang gilid ng labi ko at tingnan kung may muta ba ako.

"Musta ang tulog?" Umupo siya sa may gilid ng kama.

"Ayos naman, nga pala... Binuhat mo lang ako papunta dito?" Nahihiya kong tanong.

"Hmm... Oo, mabigat ka, alam mo 'yon? Hahahaha..." Piningot niya ang ilong ko.

"Aray!" Sigurado namumula na naman ang ilong ko. Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Tumawa siya tapos ginulo ang buhok ko.

"Kain na, tulog mantika," tawang-tawa pa siya.

Hinagisan ko siya ng unan. Sabi nga, magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising.
Ipinangsangga niya ang kamay niya.

"Lumabas ka na bago ko pa mahagis 'yong kama sa'yo!" Babala ko sakaniya.

"O sige, kunyari natatakot ako. Kunyari kaya mo talagang gawin 'yon." Pangangasar niya.

Inirapan ko nalang siya saka tumayo. Parang nasusuka na talaga kasi ako.

Pumasok na'ko sa comfort room. Inilabas ko na ang dapat ilabas. Gad!

"Baba ka pagkatapos mo dyan ha? Kakain na.." Iyon na ang huling sinabi niya.

Kailan pa ako nagsusuka, normal pa ba'to?

Naghilamos na ako bago lumabas.
Pagkarating ko sa kusina ay handa na ang mga pagkain.

"Let's eat." Pinaupo niya na ako.
Tiningnan ko lahat ng nakahanda sa mesa.

Fried rice. Alimango. Bagoong. Labsters. Hipon. Nilagang itlog.
I checked the time. 9:40 am.
Maaga pa pala. Alas tres kasi kami ng umaga umalis sa bayan papunta rito sa isla.

Tahimik kaming kumain. As usual kay Tristan. Walang pinagbago.
Pagkatapos namin kumain, siya na ang naghugas ng mga plato.
Pinagmasdan ko siya.

Salamat dahil binigyan kami ng pangalawang pagkakataon para magmahalan ulit.

Napangiti ako sa iniisip ko.
Napakaswerte ko sa lalakeng napili ko.

Napagdesisyonan naming mag-ikot-ikot. Una naming pinuntahan ay ang mga palaruan.

"Doon tayo," Hinawakan niya ang kamay ko at hinala papunta sa tinuturo niya.

Tinungo namin ang palaruang puno-puno ng mga tao. Marami ang nanonood. Naghahanap pa sila ng makakalaban ng isang lalake.

"Sasali ka?" Tanong ko sakaniya nang marinig kung paano lalaruin ang larong iyon.

In-announce na ang rules and regulations. Sinabi na rin kung ano ang takbo ng laro.

"Oo," ngumiti siya sa'kin. Kitang-kita ko ang saya at pagningning ng mga mata niya dala ng excitement.

Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora