Epilogue

589 7 7
                                    

EPILOGUE

NICKA'S POV

"Dad! Ano ba?! Nakakahiya naman dun sa may ari ng bakery!"

"NAKAKAHIYA?! IKAW ANG NAKAKAHIYA NICKA! Alam mong nab'bankrupt ang kompanya ko at nagwawaldas ka pa ng pera?!"

"Yung pera na yun hindi galing sa kompanya mo. Sa akin yun!"

Totoo naman talaga eh! Yung pera na ginamit ko dun sa porche sa akin talaga yun. Nagwithdraw ako sa bank account ko last month pa tapos pinaorder na yung kotse para kay Baron.

"Go to your room, NOW!"

"NO! Hindi ikaw ang namamahala ng buhay ko! I'm old enough to control my li- - -"

*Slap*

Nagulat ako sa ginawa ng dad ko. At dahil dun napaluha ako, this was the very first time that my dad slapped me.

"Go to your room, I said! Aalis pa tayo bukas, to meet your future husband."

"WHAT?! H-HUSBAND?!"

"Yes. Remember our deal Nicka? Now go to your room!"

Hindi ako umalis sa kinakatayuan ko, at tinignan si papa ng diretso. 

"You'll regret this dad."

"I won't."

Matigas na sabi ng papa ko. Tumakbo na ako papasok ng kwarto ako, tinawagan ko kaagad si Baron.

"Kumag. Sorry."

"Ayos lang. Baka sadyang nagalit lang yung papa mo. Baka naman kasi galing sa kompanya niyo yung pera na ginamit mo."

"Hindi ah. Ipon ko yun. Ba't naman ako magw'waldas ng pera. Hindi naman ako ganun."

"Ano ng nangyari pagkauwi niyo?"

Naalala ko bigla yung marriage interview ko bukas, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.

"M--may. A-ano. Eh."

"Kung hindi mo pa kayang sabihin, okay lang. Basta tandaan mo, kung kailangan mo ako, nandito lang ako lagi. Kahit maghiwa-."

"Huwag mong sabihin yan kumag. Mahal pa rin kita. Walang susuko sa isa't-isa."

"Sabi ko nga. Sige matulog ka na, mukhang may lakad ka pa bukas. I love you in infinity."

"And I love you too in beyond."

____________________

THE NEXT DAY.

Nandito kami ngayon sa isang restaurant, kasama ang isang lalaki na halos kasing-age ni papa. May pinag-uusapan sila na wala akong kinalaman.

"Keep your phone sweety."

Hindi ako nakinig sa sinabi ng papa ko. Instead, I placed earphones into my ears and keep on texting. Bahala siya, I'll act as a brat if I should just to avoid this marriage interview.

"So, anong oras darating ang pamangkin mo?"

"Sabi niya malapit na siya."

"Ano naman ang itsura niya?"

"Gwapo, may katangkaran tapos magaling sa business."

"Nag-aral siya in abroad, right?"

"Yes. He stayed there for four years."

Tinanggal ko na yung earphones ko tapos tinago. Bigla na lang bumukas yung pinto ng restaurant. Nagulat ako.. Hala. Hindi pwede.

Please Lord, hindi siya. 

Lumapit bigla yung lalaki sa table namin..

"Sorry to keep you waiting, medyo traffic kasi sa C5 kaya ngayon lang ako."

Pagkahila ng upuan niya, napatayo ako at nagkatinginan kami. Nanlaki parehas yung mga mata namin, sabay...

"IKAW?!"

_______________________________________________________

FOOTNOTE. 

Hell yeah! Hello! ~~~ Bitin, bitin, bitin bitin.

Just to tell you guys..

THIS IS THE END OF BOOK 1. 

At merong BOOK 2. 

Thank you guys for supporting Book 1 of Reaching You. See you guys sa Book 2!

Till then. ~~

Reaching You [Fin;Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon