Chapter 14

571 5 2
                                    

A/N: I dedicate this chapter to siayeshalangtoh kasi 8th fan ko siya! :)

BARON'S POV

Morning! 

Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nila taray. May dalang gummy food, roses na origami tapos USB. Lahat ng info na yan nakuha ko sa lola niya. HAHAHAH. Pero yung USB plano ko talaga. Anong nilalaman? Well laman niyan ay lahat ng mga cover ng kanta na gusto ko. Pero yung iba mga messages ko. Kelan ko ginawa? Last week pa. Kada araw meron yan. 

Di ko pala nasabi sa inyo.. Singer ako. Pero patago. HAHAHAH. Alam ko dapat i-share yung talent mo na bigay ni Lord. Eh ayoko eh. Joke. Ngayon ko pa nga lang i-s'share eh. Kay taray. 

Bakit hindi nagr'reply yun? Naka dalawang text na ako sa kanya wala pa ring sagot. Biglang may dumating na lalaki. Si DelaRosa. May dalang roses, chocolate tapos teddy bear. Hindi ba niya alam na yung dala ko ngayon yung gusto ni taray? Bestfriend niya yun diba? Biglang bumukas yung pinto ng bahay ni taray. 

Parang walang kareaksyon yung mukha niya nung nakita niya yung dala ni DelaRosa. Sinara na niya yung pinto, siyempre dala yung bigay nung pinakamamahal niya. Siyempre hindi ako magpapatalo, nilagay ko na rin yung akin tapos sabay DST. (Doorbell Sabay Takbo).

Bumukas ulit yung pinto nila. Tapos nakita ko, abot hanggang pluto yung ngiti ni taray. Natuwa ako. Pero parang nagtataka rin siya. Malamang, wala kasi yung pangalan ko dun eh. Malalaman rin naman niya kapag pinakinggan niya yung mga kanta ko.

Pumunta na rin ako sa university pagkatapos. Pumunta kaagad ako sa office ni Salvador.

"Oh Mr. Buko, bakit ka napadaan dito?"

"Magpapaalam lang po sana. Hindi po kasi ako aattend ng class mamaya."

"At bakit?"

"Basta po."

"Okay. At dahil wala ka naman. Wala rin kaming gagawin. Para hindi na mag-alala si Ms. Cruz sa mga namiss mo. Okay. Whole day ba yan?"

"Opo. Salamat po ah."

Pagkatapos pumunta rin ako sa iba kong professor ngayong araw. Pinayagan naman ako. Kaya mamaya sa first class at last class ni taray wala siyang klase. Freetime. Every Tuesday kasi first at lass class kaming magk'klase. Pero hindi niya alam yun. Tapos dumiretso na ako sa rooftop para makipagkita kay DelaRosa.

"Tapos na akong magpaalam. Ikaw?"

"Sa first class lang ako aattend kasi may test si Prof. Santos. Kaya kita ulit tayo dito ng mga 10am."

"Pasabi naman kay Nicka na wala ako sa cooking mamaya. Baka kasi mag-isip nanaman yun na nilalayuan ko siya."

"Sige. No problem."

Pagkaring nung bell, umalis na si DelaRosa. Habang ako nagpipitas ng petals ng rose. Design mamaya sa stairs. Tapos hinanda ko na rin yung iba..  Pagkatapos ng 2 oras dumating ulit sa DelaRosa.

"Pare, hanapin natin si Michelle."

"Bakit?"

"May mall kasi yun, may plano ako."

"Sige. Sa library na lang tayo magpunta, lagi naman nandun yun kapag breaktime niya eh."

"Paano mo alam?"

"Tuwing mag-aaral ako dun, lagi akong nilalapitan ni Mich. Tapos sasabihin niya lagi 'pwede maki-join? breaktime ko kasi eh.' kaya obvious na nandun yun."

Reaching You [Fin;Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon